July 16, 1945
Dear diary,
Ang saya ko. Kaya gumawa ako ng diary. It was 35th birthday of my mother. We celebrate together, sabi nya sa 13th birthday ko gagawin ulit namin ang ginawa namin ngayon.
Nagpunta kasi kaming park, kumain kami doon at naglaro. Simula ng mawala si papa hindi ko na nakitang ngumiti si mama kaya sobrang saya ko kasi nakita ko ulit ang totoong ngiti ni mama.
Isang buwan pa lang ng mamatay si papa. Simula nung araw na yun laging wala sa bahay si mama. Kung nandito man sya sa bahay ay lagi syang nag-eeksperimento.
Natandaan ko ang anak ng bestfriend ni tita Carol. Napakacute nya pero mukhang masungit. Pero natuwa ako ng masabihan nya ako ng masungit ng una kaming magmeet. Tinanong nya kasi ako kung nakita ko ang mama nya pero tinarayan ko sya at sinagot ng hindi ako hanapan ng nawawalang tao. Simula nung araw na yun hindi na nya ulit ako pinansin kahit na lagi syang nasa bahay. Pero minsan nahuhuli ko syang nakatingin sa akin kaya natutuwa pa rin ako.
Si tita Carol, kaibigan sya ni Mama pero patay na sya. Sabi ni mama pinatay daw sya kaya maghihiganti sya. Hindi ko alam kung kilala nya ang gumawa o kung ano dahil wala naman syang nababanggit sa akin.
Pero sana wala namang mangyaring masama kay Mama sa kung ano man ang gagawin nya.
Eto lang muna isusulat ko at inaantok na ako at pagod ako sa pamamasyal namin ni mama.
Nagmamahal,
Onyx
![](https://img.wattpad.com/cover/69728192-288-k589482.jpg)
YOU ARE READING
The Vampire's Labyrinth #Wattys2016
VampireThe untold love story of James Austin Wilkerson and Onyx Laria Russi