June 2, 1967
Dear diary,
Nakakagulat sya kanina bigla syang dumating sa bahay para sunduin ako. Adellaide ang pangalan nya. Wala na syang magulang kaya masaya ako dahil nakahanap ako ng karamay.
Napakalungkot talaga ng mga mata nya. Nalaman ko pa na napakayaman at napakalakas nya. Sya pala ang dahilan kung bakit nagkaroon ng ganitong syudad. Napakabait nya kahit pa na tinalikuran na sya ng mundo.
Pagdating namin sa skwelahan na pag mamay ari pala nya ay pinagtitinginan kami. Nahihiya akong naglakad nun at nakayuko lang pero sya cool lang. Ang sabi nya dadaan muna kami sa isang lugar dahil papakilala nya ako sa mga kaibigan nya.
Dumiretso kami sa canteen. Doon sumalubong sa akin ang isang babae at dalawang lalaki. Pinakilala nya ang mga ito. Si Steff ang babae at sina Bale at Deme ang kambal. Madali lang malaman kung sino ang sino sa kanila.
Seryoso si Deme samantala makwela naman si Bale.
Habang kumakain kami ay bigla akong napatingin sa pintuan ng canteen. Pumasok dito ang isang pamilyar na lalaki. Nakasuot ito ng jacket at nakasuot ng makapal na salamin.
Mas nagulat ako ng dumiretso ito sa gawi namin. Ng magtama ang paningin namin ay ngumiti ako pero agad lang din sya nag iwas ng paningin.
Humanda ka James. Hindi ko nakakalimutan ang sinumpaan ko
YOU ARE READING
The Vampire's Labyrinth #Wattys2016
VampirThe untold love story of James Austin Wilkerson and Onyx Laria Russi