Tenth Entry

155 9 0
                                    

February 14, 1968

Dear diary,

Nanganak na si mama. And it's a boy! Pinangalanan itong Tyson ni Tito Xiron pero dahil maiksi dinagdagan ko ito ng Law.

Law Tyson Reynes.

Ang gandang pangalan.

Pangako. Aalagaan ko sya sa abot ng makakaya ko. At isa pa. Napakacute nya.

Habang tulog si Law at si Mama. Lumabas ako ng kwarto para bumili ng pagkain. Habang palabas ako nadaanan ko ang isang bukas na kwarto. Nangingibabaw ang boses ng sanggol na lalaki. Wala sa sarili akong sumilip sa loob at doon ko nakita si James kasama ang papa nya. Nakaluhod ang papa nya sa tapat ng higaan ng babae.

Samantala ang babae ay sinisigawan ang papa ni James na galit na galit. Naalala ko pa ang usapan nila na humihingi ng patawad ang ginoo sa ginang, pero nagmatigas ang ginang.

Umaiiyak na lumabas si James sa kwarto na yun. Alam kong nakita nya ako dahil nakahara ako sa pintuan pero aba! Nilampasan lang nya ako.

Samantala nagulat naman ang papa nya ng makita akong nakatayo sa tapat ng pintuan. Pero katulad ng anak nya ay di nya ako pinansin at sinundan ang anak nya

Natira kami ng ginang at ng sanggol nya sa kwarto. Tinanong nya ako kung anong kailangan ko kaya napasubo ako. Nasabi kong mahilig ako sa bata.

Pinakilala nya ang anak nya.

Bryant James Heteo pala ah.

Hindi rin kita hahayaan lumigaya.

Nagmamahal,
Onyx

The Vampire's Labyrinth #Wattys2016Where stories live. Discover now