December 16, 1980
Dear diary,
Ang gagong Bale naisipan pang gamitin ang font ng mga taga black clansa ginawa naming krimen. Pinatay namin ang ina ni Bryant sa kadahilanan ewan ko kay bale. Pero seryoso. Masaya akong namatay sya dahil alam kong magdudusa ang tatay ni James kapag nalaman nya yun pati ang anak nyang si Bryant o mas kilala sa tawag nilang si BJ. Si Vlademaire naman ay di ko alam kung bakit ang ginang ang una nyang isinuwestyon na patayin.
Pumunta kami ng bahay ng mga Heteo na suot ang mga black cloak na katulad ng sabi ni Bale. Gamit ang isang kutsilyo ginilitan ni Bale ang ginang pero hindi ito gaanong bumaon. Uulitin dapat nya ang ginawa nya ng biglang dumating ang isang ginang na katandaan na na nakabelo.
Pinigilan nya kami at mas malakas sya sa amin kaya wala kaming nagawa kundi umalis sa lugar na iyun.
At kani-kanina lang ay nalaman naming patay na ang babae pero pinagtataka namin ay kung nasaan at sino ang matandang babae na pumigil sa amin.
Sobrang inis ni Bale nung nagpunta kaming hide out namin. Isa itong lumang gusali na hindi na pumupuntahan nino man at walang nagmamay ari.
Inabutan namin si Xiron na ginagawa ang kwartong kulungan na ang tawag daw ay Exodus. Dun daw namin ikukulong ang mga pain balang araw. At may ililipat daw sya ditong iba pang ancient vampire na kasama sa koleksyon nya.
Ngayon ko lang nalaman na may pagkaweirdo ang pag iisip ni Xiron. Nangongolekta ng mga matatandang bampira. Hindi papakainin hanggang sa mamatay. Masaya na sya sa ganun. Nakagawa na din daw sya dati katulad ng Exodus pero dahil daw fresh pa daw ang mga koleksyon nya noon at malakas pa ang mga kapangyarihan ng mga ito ay nagawa daw nitong lamatan ang kulungan.
Ang Exodus ay isang kwarto na kapag pumasok ka ay mararamdaman mo na napakakapal ng mga pader na nakabalot dito. At impossibleng matibag ng kahit na anong kapangyarihan. Pero dahil bago lang nun sa pag aaral ng mga spell si Xiron ay nagawa ng mga bampirang bihag na lamatan ang kulungan nya.
One down.
Next target: James.
Nagmamahal,
Onyx
![](https://img.wattpad.com/cover/69728192-288-k589482.jpg)
YOU ARE READING
The Vampire's Labyrinth #Wattys2016
VampireThe untold love story of James Austin Wilkerson and Onyx Laria Russi