Twenty Fifth Entry

129 8 0
                                    

February 13, 1981

Dear diary,

Nalaman na ni James ang tungkol kay Lynyx. Nakita ko sa mata nya ang pagsisisi at sakit. Humingi din sya ng tawad at sinabing gagawin daw nya ang lahat para makabawi.

Pero kung sa tingin nya ay ganun kadali iyun pwes nagkakamali sya.

Pinakilala nya ako sa ama nya at ng magkaharap kami ay kitang kita ko ang gulat sa mata nya. Hindi nya marahil inaasahan na buhay ako at worst ako ang napiling mapakasalan ng anak nya at sa akin sya nagka-apo. Nagkausap pa kami kanina na pinapalayo nya ako sa anak nya. Kumg ano man daw ang binabalak ko wag ko ng ituloy. Umarte ako na ako ang aping api at sinadya kong magpalaglag sa hagdan, nakita iyun ni James kaya nagalit sya sa tatay nya.

Nag uumpisa na ang laban. Nag umpisa ng magparamdam pati ang kapatid ng tatay ni James. Kung ano man ang kahinatnan ng mga ito isa lang ang masasabi ko, ang kasalanan ng isa ay nagiging bunga ng kahirapan ng lahat.

Nagmamahal,
Onyx

The Vampire's Labyrinth #Wattys2016Where stories live. Discover now