Fourth Entry

247 13 1
                                    

August 2, 1945

Dear diary,

Nakakamangha! Hindi ko alam pero napukaw ang atensyon ko sa ginagawa ni mama.

Sa baba ng bahay namin sa basement may napakalaking tangke na puno ng kulay berde na malapot na likido. Napaka ganda ng ginagawa dito ni mama. Hinuhulma nya ito katulad ng katawan ng tao at ipapasok sa malaking oven.

At ng ito siguro ay naluto na ay may ilalagay sya puting usok sa bawat katawan at papatakan ng dugo nya.

Sa unang pagkakataon ay may nagustuhan ako sa ginawa ni mama. Ang sabi nya ay ipinamana ito sa kanya ng yumao nyang kaibigan. Kailangan daw nya ito ipagpatuloy sa abot ng makakaya nya para sa hustisya ng kaibigan nya.

Simula ngayong araw na to ay ipinangako ko at isinumpa ko kay mama na ipagpapatuloy ko ang sinumulan nila ng kaibigan nya at mas mabuti pang mamatay kesa itigil ang pag gawa sa kanila.

At simula din ngayong araw na ito ay nagkaroon ako ng mga bagong kaibigan. Ang mga fiend.

Nagmamahal,
Onyx

The Vampire's Labyrinth #Wattys2016Where stories live. Discover now