Twenty Sixth Entry

151 9 0
                                    

May 22, 1983

Dear diary,

Kinuha ni Bale ang ala-ala ni BJ. At naging kaalyansa namin sya. Si James alam kong tutol sya sa ginagawa namin pero wala syang magagawa. Blinablackmail ko sya na kapag hindi nya sinunod ang lahat ng gusto ko papatayin ko si Lynyx.

Ang tanga lang nya dahil naniwala sya bakit ko naman papatayin ang anak ko.

Limang taong gulang na ang anak ko ngayon. At may napapansin akong kakaiba sa kanya. Lagi syang may kausap na hindi ko nakikita. Medyo natatakot na ako para sa kanya. Baka ang kapangyarihan nya ay kumausap ng multo. But geezz. Corney.

Nung nakaraan nakita ko sya may kausap sa tapat ng puno ng mangga sa tapat ng taguan namin. Dito na kasi kami tumira sa lumang building. Kung hindi ko pa sya pinagalitan hindi sya titigil kakasalita mag-isa.

Si Xiron bigla na lang sya nawala simula ng tumira kami sa iisang bahay ni James. Sabi nya may dadalawin lang sya pero di na sya bumalik pagkatapos nun. Di na ako umaasang babalik pa sya baka nga patay na rin yun. Mabuti nga sa kanya.

Iniwan nya sakin ang Exodus at malaking tulong iyun para dun makulong ang mga pagkain namin. Hindi ko naman pinagalaw kanila James at Bale ang koleksyon ni Xiron at baka multuhin pa ako nun kung sakaling namatay na nga.

Ang tatay ni James wala syang magawa kundi makisama. Katulad ng anak nya ay tinatakot ko syang papatayin ang apo nya kung may gagawin syamg labag sa kagustuhan ko.

Pero sa kabila ng lahat ng nangyayari may takot ako sa dibdib na mararamdaman. Hindi para sa akin para sa mahal ko.
Nagmamahal,
Onyx

The Vampire's Labyrinth #Wattys2016Where stories live. Discover now