DALAWA

70 0 0
                                    

Kinabukasan…

“O anak, ingat sa pag drive ha? Kwento mo saken anong reaksyon ng kuya mo pagtawag nya mamaya. Hahaha Goodluck sayo. ;) Ikamusta mo na lang ako sa family nina Chesca.”

“Yes ma. Ahmm, I better get going. Baka ma late pa ko lalong magagalit yun. Haha” Bye ma! Love you! Mwah!”

“Love you too anak! Wag masyado manchichiks ha! Bye!”

Haha napapailing na lang ako. Mama talaga pasaway e. ! started to move. Ahh. Ansarap ng ganitong feeling. I stepped on the gas harder. Nasa Pampanga na ko nung mag ring yung phone ko. Haha Eto na si kuya. Nag sign of the cross muna ako bago ko sagutin. I put it on speaker.

“Hello kuya?”

“Mabel, how are you and mama?”

“We’re ok naman kuya.” Playing safe? Yeah. I should be. If I pull the wrong string kuya will erupt. Dahan dahan lang. Hihi

“How about the flower shop? Wala bang nagiging problema?”

“Ahh, wala naman masyado kuya. Minor problems lang. So far so good naman.” Naks, galing ko a. ewan ko na lang mamaya. :))

“Good. Si mama, how’s she?”

“Kuya, Don’t worry too much about mama. Ok na siya. Di na siya nadedepress katulad ng dati. Actually nag-usap nga kami kagabi about you being so over protective and paranoid all the time. Masyado mo ini-stress yung sarili mo. Umuwi ka kasi dito para naman makita mo yung progress ni mama. I’m sure miss na miss ka na non” 0J

He chuckled a bit dun sa paranoid and protective part. Yeah, I’m so great! >:)

“Ok ok. Naisip ko na nga din magbakasyon. Maybe this Christmas.”

“Really kuya?? That’s great! Matutuwa sigurado si mama!” :D

“I know. I also might bring someone.”

“wow! And who’s that someone?? Hmmm.” Aba aba! Nakachiks na ata si kuya a. hihi.

“That’s a secret for now. Asan nga pala si mama? Kausapin ko nga.”

“Ah eh. Kuya…” Hala patay eto na. “Well, I’m currently on the road papuntang manila. Punta ko kena Chesca e. Grand opening kasi ng bar nila later. I badly need to be there.” >.<

“What??!! Ba’t ngayon ka lang nagsasabi? Ikaw talagang bata ka! Naku! Lagot ka sakin pag uwi ko. Pinayagan ka ni mama?! Sinong kasama ni mama sa bahay?! Sinong katulong dun sa flower shop?!-“

“O, kuya chill ka lang. Sorry na. Alam ko namang di mo ko papayagan e. Pero pinayagan naman ako ni mama. She’ll be fine, andun naman si Ana tsaka Marie para tulungan sya sa shop. Two days lang naman ako sa Manila. You know naman how much I owe Ches. Magagalit talaga yun ng bongga If I don’t show up. Kuya, please understand. Ngayon lang naman.”

“Hays, ano pa nga bang magagawa ko.” He sighed defeatedly. Yay! 1-0! :D For the first time.

“Haha kuya, that’s what mama exactly said. Wala ka na nga daw magagawa.”

“Tss! Whatever. Tigas ng ulo nyong dalawa. Anyways, I have to go.” Dry? >:D

“Sorry na. Ingat kuya! Lov-“ Bago ko pa matapos yung sasabihin ko sumingit pa ulit si kuya. Ow nose. >.< Akala ko lusot na ko. -.-

“Wait! Don’t tell me you’re driving?!” I’m sure with matching eyebrows raised pa yan.

“Well, yes kuya I’m driving.” Nakangiwi kong sagot.

“Sabi ko na nga ba. Hay. Ano bang gagawin ko sayong bata ka? Tigas ng ulo mo. How many times do I have to tell you that I don’t like the way you drive? Reckless driver ka pa naman.Nag-commute ka na lang dapat.”

KismetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon