Part 12

2 0 0
                                    



Lumabas na ako sa CR at saktong nakasalubong si Claire. "Hey? You look pale." Puna niya sa akin. "Something happened?" Tanong niya.

Umiling ako at tumingin sa relo ko. "Tara na sa next class natin. Baka malate pa tayo." Yaya ko sa kanya.

Umiling siya. "45 minutes pa naman. Kung gusto mo mauna kana. Matutulog muna ako." Ani niya.

Tumango ako at dumiretso na sa room ko. Ayoko nang bumalik sa taas. Baka masuka pa ako. Tss.

Pagkapasok ko sa room, para akong nabilaukan. Nawala sa isip ko na kaklase ko si Xyrus.

Katabi niya si Jasper at pinalilibutan ng mga fan girls nila. Nagkatinginan agad kami kaya umiwas ako ng tingin. Umupo ako sa tabi niya at agad kong sinuot 'yong earphone ko at nakinig sa music. Minax ko 'yong volume at tsaka dumukdok.

Ayoko ng istorbo.

--

Aray! Ang sakit ng batok ko. Iminulat ko 'yong mata ko... WHAT THE?! Mata ko? Nakatulog ako?! Dahan dahan kong itinaas 'yong ulo ko at nakitang wala nang estudyante at malapit nang magdilim. The heck?! Wala man lang gumising sakin?

Tinanggal ko 'yong earphone ko at itinago 'yong cellphone ko.

"Gising ka na."

"Ayy Kabayo!" Kaagad akong napahawak sa dibdib ko. Ghad! Akala ko may multo.

Napatingin ako sa likod ko at nakitang nandoon pa si Xyrus. Kaagad akong nag-iwas ng tingin at nagkunwaring inaayos 'yong gamit ko.

"Ba't hindi niyo ako ginising?" Cold na tanong ko sa kanya.

Narinig kong huminga siya ng malalim. "We tried pero walang effect sa'yo." Paliwanag niya. Tss. Ba't wala akong naramdaman?

Aalis na sana ako nung bigla niya akong hinitak palapit sa kanya. "W-What the fuck are you doing?!" Halos ibulong ko na lang 'yong dahil hindi ko na kinaya 'yong lapit namin. I know, lagi niyang ginagawa 'to pero iba na ngayon.

"Why are you acting like that ha?" Ngumisi siya. "Wala lang dapat sa'yo 'yong nakita o narinig mo kanina. Sanay ka na dapat sa ganon dahil sa mga pinsan mo." Tinignan niya pa ako ng mas malalim. "Why?" Naghahamong tanong niya.

"I-I was... shocked." I answered. Nakita ko kaagad 'yong pagbago ng facial expression niya.

"Why?" I don't know pero bakas sa boses niya ang pagkadismaya or naghahallucinate lang ako?

"W-What do you expect?! Kapag ba may narinig kang ganon hindi ka magugulat? We are girls, don't expect from us na we are going to be interested about what you two are doing." Sagot ko as I rolled my eyes over him.

Pinakawalan niya na 'yong pagkakahawak sa kamay ko kaya kaagad akong naka-atras.

Yumuko siya. "Sorry."

"Huwag kang magsorry sa akin. Tss. I'm not your girlfriend." I pointed.

Kaagad siyang nag-angat ng ulo. "But I want you to be." Halos pandilatan ko siya sa sinabi niya. Is he serious?! The heck?

"Are you drunk? What the heck are you saying?!" Inayos ko 'yong pagkakastrap ng bag ko at umalis.

Iniwan ko siyang mukhang nanlulumo.

I don't expect that from him. Hindi sa nandidiri ako or somewhat pero this is so weird. He wants me to be his girlfriend? Why? What? How? 'Yong mga sinasabi niya sa akin noon, isa lang 'yon sa dahilan kung bakit hindi niya ako magustuhan. Lagi niya akong inaasar, pinipikon at sinasabihan ng kung anu-ano. Tapos ngayon, sasabihin niya 'yong ganon?! UGH! He's making me confuse and more.

Captured Moments (Still Editing | On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon