Part 21

2 0 0
                                    




Maaga kaming lahat na nagising except kay Xyrus na tulog mantika. Four thirty pa lang, gumagayak na kami kasi five thirty, aalis na kami. I am wearing a faded jogger pants and a black polo shirt. Gusto ko lang magblack ngayon. Ewan ko, trip.

Nagpolbo, lip shiner at perfume lang ako. May narinig akong mga boses sa ibaba. Baka nandyan na 'yong mga pinsan ko.

Nilapitan ko 'yong lalaking nakadapa pa sa kama ko. Kinalabit ko siya. "Woy. Xyrus. Magpapa-iwan ka ba?" Panggigising ko.

Unti unti siyang dumilat at agad namang umupo. "Ba't hindi mo ako ginising? Sisi niya.

I chuckled. "Aba. Ano ho ba 'yong tawag sa ginawa ko?" Sarcastic na tanong ko.

He sigh at kinuskos 'yong mata niya. "I mean, kanina." Ngumuso siya. Ang gwapo niya lalo kapag gulo 'yong buhok. 'Yong walang wax na kasama.

Nag-iwas ako ng tingin. "Tss. Kasalanan ko pa?" Baliw 'to.

Tumango siya at kinuha 'yong towel niya at binuksan 'yong pinto sa CR. "Yea. Hindi mo ako pinatulog kagabi." Nanlaki 'yong mata ko sa sinabi niya. The heck?! Pinaalala niya pa!

Binato ko siya ng suklay, agad naman siyang naka-ilag. "Gumayak ka na lang nga!" Utos ko sa kanya.

Ngumisi siya at umiling iling. "Pasalamat ka, mahal kita." Aniya. Kumuha ulit ako ng mababato sa kanya pero agad niya isinara 'yong pinto. Ugh! Damn him! Ang aga niyang nang-aasar!

Hindi ko na siya hinintay na matapos at bumaba na dala 'yong maleta at backpack ko. "Good Morning." Nakangiting bati ko sa kanila. Agad naman akong dinalo ni Edison para tulungan sa maleta. "Thanks." Sabi ko. Tinanguan niya lang ako.

Tinabihan ko sila sa sofa. "Si Xyrus?" Tanong ni Bret.

"Nandoon, nagmemake-up pa ata." Biro ko. "Sila Maris?" Tanong ko naman.

"Naliligo pa." Sagot ng kapatid niya. Tumango na lang ako. "Maraming diwara 'yon e." Reklamo niya.

Ngumisi ako. "You know, girls."

Naglagay si Ate ng muffins sa center table kaya agad kaming kumuha, mga hindi pa pala sila nag-uumagahan.

Dumiretso ako sa kusina para uminom ng gatas. "Good Morning Manang." Bati ko.

Nginitian niya ako. "Good Morning." Lumapit siya sa akin at inabot 'yong isang nakaplastic ware na sandwich. "Baunin mo. Baka gutumin kayo." Aniya.

Tinanggap ko 'yon. "Thank you. Nga pala, ingat po sa byahe mamaya." Sabi ko.

"Ingat rin kayo. Salamat sa regalo mo." Ngumiti na lang ako at bumalik na sa sala. Baka mamaya magka-iyakan pa kami.

Umupo ako sa hagdanan. "I know what you've gave to Manang." Bungad ni Ate sa akin na kasama si Serge na naka-polo rin pero puti. Mukhang inaantok pa siya. Dumiretso siya agad sa muffins at pinagkaguluhan ng pinsan ko.

Ngumiti ako. "It's a gift, Ate." I said.

Dinaluhan niya ako sa pag-upo sa hagdan. She's wearing a maong pants and a sleeveless shirt. "I'm amaze." Aniya.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Tss. Maliit na bagay lang 'yon sa mga ginawa niya sa atin." I pointed.

Nagkibit balikat siya. "You're right. But still, maganda 'yong ginawa mo." Aniya.

Captured Moments (Still Editing | On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon