Part 14

2 0 0
                                    




Ginawang parang close room 'tong Gym. Lahat tinakpan, kahit na 'yong entrance nito ay makipot. Saktuhang dalawang tao lang ang pwedeng pumasok at a time.

Umalingawngaw agad ang pop music pagkatungtong namin sa loob. "This is so loud." Komento ni Luke. I understand. First time niya palang dito kaya naninibago siya.

Kinindatan ko siya. "Just Enjoy." Nakangiting sabi ko.

Umiling iling pa siya. "With you by my side. I'll surely enjoy this." Sabi niya.

Shocks! What's with his flowery words at bakit ganon na lang ako kaapektado?!

Halos mapaliyad ako nung pinadulas niya 'yong isang kamay niya sa baywang ko. Gusto ko sanang tanggalin 'yon pero nalaman niya na agad 'yong gagawin ko.

"Stay please? Just this night." Halos magpatiwarak 'yong puso ko nung nakita ko 'yong mga mata niyang nagmamakaawa. God. Eto ba 'yong epekto sa akin ng pag-ibig? Hayy. Nakakabaliw e.

I already had two boyfriend pero I never feel this way when I was with them. It's different. It really is.

Ngumiti ako. "Sure." Nagsimula na kaming maglakad patungo sa table namin.

Kaagad naming napukaw ang atensyon nang mga tao na kanina'y nagsasayaw.

"Ang ganda ni Sophia! Girl natotomboy na ako."

"Siya pala 'yong date ni Luke? Nakaka-inggit."

"I wish I was her."

"Lahat ng Salvadore na dumating e nakakainggit. Sila lahat 'yong pinakamagaganda at pinakagwapo. Sana lahi nila ako!"

"Sobrang gwapo ni Luke! Hindi ko in-expect na may mas ikagagwapo pa pala siya!"

Halos mabingi ako sa bulungan sa Gym. "Pia!" Sigaw ni Maris na ngayon ay katabi si Macey na katabi naman 'yong partner niya.

"Ok ka lang ba kung doon tayo?" Tanong ko kay Luke.

Biglang nawala 'yong ngisi sa mukha niya. "Nandoon ba 'yong mga pinsan mong lalaki?" Tanong niya na mas lalo kong ikina-curious.

Umiling ako. "I'm purely sure na hindi sila sa table namin kasi hindi nila magagawa 'yong gusto nilang gawin sa mga dates nila."

He chuckled. "Protective?" Tanong niya habang tinatahak namin 'yong table nila Maris.

"Yea. Syempre concern. Ayaw naman naming maging patapon 'yong mga buhay nong mga uto na 'yon." Paliwanag ko.

Ngumiti siya at tumingin sa ilaw na naglalaro sa itaas ng stage. "I wish I'm one of your cousins." Sabi niya.

Nagtaka ako. "Bakit?"

"Para maging protective at concern ka rin sa akin." Halos magsisigaw ako sa sinabi niya. GAHH! THE FUCK! Pinapakilig niya ba ako?! Kasi kung OO, SHIT! EFFECTIVE!

Hindi na ako nakasagot dahil natunton na namin 'yong table nila Maris. Sila lang tatlo ang nandoon. Nasa kaliwang side sina Claire at Kei. Kasama ni Claire 'yong date niya. Naupo kaming dalawa. Busy si Maris katetext samantalang 'yong dalawa, walang kibuan. Ano kayang nangyayari?

"But then I realized.." Pagpapatuloy niya. "Hindi kita mapapakasalan kapag naging magpinsan tayo. I can't make you mine."

Maris gasped, "OMG!" Nanlaki 'yong mga mata niya sa mga narinig niya galing kay Luke. "Are you guys dating?" Tanong niya habang tinuturo kami.

Umiling ako. "No. We aren't." Sagot ko. I wish?

"Not yet. We'll go to that." Confident na sagot niya kaya mas lalong bumilis 'yong pagpintig na puso ko. Grabee! Magkakasakit yata ako sa puso nito.

Captured Moments (Still Editing | On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon