Part 38

3 0 1
                                    




Napamulat ako sa ingay na naririnig ko. Damn! Ang sakit ng puson ko! Agad akong bumangon at pumunta sa CR. Shitsss! Meron pa ako ngayon! Ughh!

Agad akong  naglagay ng pads, naghilamos at nagpalit ng damit. Nung pagkabukas ko ng pinto, mas lalong umingay. Hay! Nambubulabog nanaman dito. Bumaba ako at nakita silang nanonood ng movie. Linggo nga pala ngayon.

"Good Morning Pia." Bati ni Maris.

Ngumiwi ako. "Ayaw niyong nagpapatulog e?" Sarcastic kong sinabi.

Binato naman ako ng throw pillow ni Claire pero nasapo ko 'to. "Baliw ka ba? Nine na kaya." Katwiran niya. Napakamot ako sa ulo ko at tinignan 'yong oras. Damn! Tanghali na nga. Lintek na puson, napakasakit!

Dumiretso ako sa kusina. "Good Morning Manang." Bati ko kay Manang na naghuhugas ng pinggan.

Nginitian niya ako. "Morning. Tanghali ka na gumising?" Tanong niya.

Ngumiwi ako. "Ang sakit po kasi ng puson ko." Sabi ko at dumukdok sa lamesa.

"Sige, pagtitimpla kita ng mainit na gatas at tsaka ipagluluto kita ng mainit na sabaw para mabawasan 'yong sakit." Aniya. Tumango tango lang ako. Madiin kong hinawakan 'yong puson ko. Ahh! Hindi ko 'to kinakaya! Ngayon lang ako nagkaganito!

Maya maya, naramdaman kong may nilagay si Manang sa lamesa kaya inangat ko 'yong ulo ko. "Inumin mo 'yan. Ihahanda ko lang 'yong sabaw." Aniya.

Tumango ako at kinuha 'yong gatas habang 'yong isang kamay ko, nakadiin pa rin sa puson ko. Ininom ko 'yon ng diretso kahit na pasong paso na ako, mawala lang 'yong sakit.

"Umiinom ka ba ng gamot?" Tanong ni Manang. Umiling ako. "Mabuti." Aniya.

Inihanda na ni Manang 'yong soup, agad ko 'tong hinigop ng hinigop hanggang sa maubos. Maya maya, nakaramdam na ako ng konting ginhawa. Tumayo na ako.

"Kumain ka ng prutas mamaya." Bilin ni Manang.

"Opo." Sagot ko at pumunta sa mga pinsan ko.

"Hey." Bati nila. Tinanguan ko lang sila. Hindi ko napansin si Xyrus dito.

"Nasan 'yong isa?" Tanong ko kay Justin.

Tinignan niya ako. "Nagpadrive si Ate sa SM, groceries with Serge and him." Aniya. Tumango lang ako.

"Ikaw nga dapat kaya lang ayaw kang ipagising ng prince charming mo." Ani ni Kei na nasa likod ko.

"Tss. Ang aga ha." Banta ko. Panigurado akong magsisimula nanaman 'yan kaya agad na akong nagsignal na hindi ngayon, huwag ngayon.

Nakakalat lahat ng CD sa carpet namin. Movie marathon nanaman but this time, puro nakakadiri 'yong pinapanood nila. Pakiramdam ko, bumabaligtad 'yong sikmura ko. Tumayo ako at pumunta sa kwarto. Wah! Ayoko ng ganitong feeling!

Dumapa ako sa kama, medyo hindi na ganon kasakit pero nandoon pa rin. Maya maya, may kumatok sa kwarto. "Pasok."

"Hi." Tinignan ko at si Ate Sam 'yon. "Manang told me about..." Napatingin siya sa puson ko. "it." Aniya.

Umupo ako sa kama at ngumuso. "Opo. Ate, ang sakit!" Reklamo ko.

Umupo rin siya sa kama. "You should take meds." Aniya. "Prescribed 'yon ni Dr. Fuentes." Aniya.

Captured Moments (Still Editing | On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon