Part 22

1 0 0
                                    



Pumasok na kami sa bahay. Si Ate Sam na 'yong may dala kay Serge.

Mas lalo akong namangha sa loob. Napakalaki ng sala at puro antique 'yong makikita mong mga display.

"Nako. Lo, La. Hindi kayo matatahimik sa amin." Ani ni Jasper.

Umiling lang si Lola. "Manang mana sa Lolo." Baling niya kay Lolo. Nagtawanan lang kami. Kahit mata da na sila, ang sweet pa rin nila. If I'm not mistaken, 76 na si Lolo and 73 na si Lola.

May mga kwarto sa baba at may mga kwato rin sa taas. "Lo, saan po 'yong pinakamalaking kwarto?" Tanong ni Zed.

Tinuro ni Lolo 'yong kwarto sa taas na may double doors. "Doon."

"Lolo, kasya ba kaming lahat doon?" Tanong ni Kendrick.

"Aba'y oo. Bakit doon ba kayo matutulog na lahat? May TV doon at dalawang aircon." Ani ni Lolo.

"Opo. Doon po kaming lahat." Ani ni Zed.

Ngumisi si Lolo. "Aba, magkakasundo kayo ha."

Umakyat kami sa taas para tignan 'yong kwarto at laking mangha namin nong nakita kung gaano ito kalaki. Kasing laki na ata 'to ng sala namin e.

"Magpapadala na lang ako ng kama para sa inyo." Ani ni Lola.

Dumiretso si Ate sa kabilang kwarto.

"Papatulugin ko na muna si Serge." Paalam sa amin ni Ate.

Tumango kaming lahat.

May TV doon na 52 inch at may mga ilang gamit rin like speaker at DVD. May dalawang queen sized bed sa bawat sulok. Meron ring tatlong beanbag.

Kaagad na nagdive si Jasper at Kendrick sa kama. "Inaantok ako!" Ani ni Jasper at ginapang 'yong unan.

"Sige, magpahinga muna kayo. Magpapahanda na muna kami ng tanghalian." Paalam ni Lola. Tumango kami at nagpatuloy sa paglibot ng mata.

"Hindi ko in-expect na gan'to kalaki 'to." Ani ni Kei at tumabi kay Kendrick sa paghiga.

Binuksan naman ni Maris 'yong TV. Kasama niya si Claire na nagscan ng channel.

"Dito na ako titira." Ani ni Patrick.

May ipinasok na apat na kama pa at nilapag sa sahig kaya agad kaming nagtanggal ng mga sapatos.

"Dito na lang tayo every sem break." Ani ni Macey.

Nagsipag-sang ayon naman kami.

Hinanap ko si Xyrus pero hindi ko makita. "Looking for me?"  Halos mapatalon ako sa ginawa niyang pagbulong mula sa likuran ko.

"Pakshet ka!" Sabi ko.

Umupo siya sa beanbag at nagcellphone. Heidi again.

Pumunta ako kila Claire na naka-upo na sa mga kama habang nanunuod. Nagcellphone na lang rin ako.

Agad na pumwesto si Kei sa tabi ko. "Magkatext na kami." Aniya. Tumango ako dahil alam ko na kung sino 'yong tinutukoy niya.

Captured Moments (Still Editing | On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon