Part 34

4 1 1
                                    




"Bye Lolo. Bye Lola." Paalam namin.

Nandito na kami sa labas ng bahay nila. Grabe! Mamimiss ko 'to.

"O sige. Mag-ingat kayo mga apo." Ani ni Lolo.

"Opo!" Sabay sabay naming sagot. Nagsalute pa sila Zed.

Kanya kanya na kami ng sakay. Syempre, dahil ayos na kami, sa kanya ako sasabay. Nauna na akong pumasok sa kotse niya. May sinasabi pa siya kila Lolo na mukhang importante.

Tinapik ni Lolo 'yong balikat niya. Ngumiti lang si Xyrus sa ginawa ni Lolo at tumakbo papasok sa kotse.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Ano 'yon?" I asked.

Ngumisi siya. "Boys talk." Aniya.

Inirapan ko siya. "Tss." I hissed at dinukot 'yong phone ko sa bulsa ko. Pinlug ko agad 'yong earphone at nakinig ng music. Ini-start niya na rin 'yong kotse at sinundan 'yong mga nauunang Van.

"You can just turn the radio on." Aniya.

"Ayoko." I said.

He smirked. "Can we share?" Aniya.

Napakunot 'yong noo ko. "Saan?" I asked.

Ngumuso siya sa earphone ko. "Please?" Aniya at nagpuppy eyes pa sabay balik tingin sa kalsada.

I smirked. "You can just turn the radio on." Panggagaya ko. Bawi bawi lang.

He hissed. "Impossible girl." He commented at nagpatuloy sa pagd-drive.

I sigh. "Eto na." I said at tinanggal 'yong isang piece, 'yong isa naman, nilipat ko sa pinagtanggalan nung isa. Good thing it's long.

He pouted, still looking at the road. "Isuot mo na sa akin." He commanded like a baby.

I sigh. "Nako. Ikaw, kahit kailan, napaka-arte mo." I said pero nilagay rin 'yong piece sa tainga niya.

Ngumisi siya. "Ilalagay mo rin pala, ang dami mo pang sinabi." Komento niya.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Ah ganon?" Hamon ko. I was about to pull my earphone in his ears pero agad niyang tinakpan 'yong tainga niya.

"Joke lang. Eto naman." Aniya at ngumisi.

Nanlaki 'yong mata ko nung hinawakan niya 'yong kamay ko, pinagsiklop niya ang mga ito at ipinatong sa hita niya.

"W-What are you doing?" I asked. "Huwag ka ngang maging clingy. Magdrive ka muna." I commanded him pero hindi niya pa rin binitawan 'yong kamay ko.

He smirked. "I can drive kahit na isa lang 'yong gamit kong kamay." Katwiran niya. Tinignan ko 'yong posisyon niya at mukha naman kayang kaya niya nga.

"Tss. E bakit mo pa pinalagay 'yong earphone sa tainga mo kung kaya ko naman pala magdrive ng isang kamay." I retorted.

Ngumisi siya. "Buti nga 'yon. Atleast, I'm holding your hand." Aniya kaya pakiramdam ko, lahat ng red blood cells, nagsi-akyatan sa pisngi ko. Linteek!

Mga isa't kalahating oras na rin kaming bumabyahe. Grabe! Kanina ko pa gustong matulog pero hindi man lang ako makatulog. Tss. Nae-estatwa ako sa paghahawak namin ng kamay.

Kakadrive thru lang rin namin sa Jollibee kaya may lakas pa ako. Kung hindi, baka sobrang lanta na ako dito.

"Aa." I commanded him.

Sinusubuan ko kasi ng french fries ang baliw. Tss. Ayaw niya raw kasi bitawan 'yong kamay ko kaya ako ang nahihirapan.

Agad naman siyang ngumanga at tinanggap 'yong french fries. Napalunok na lang ako sa bawat paggalaw ng panga niya. Damn his perfect jaw line! Ugh!

Captured Moments (Still Editing | On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon