Part 36

2 0 0
                                    




Kumpleto kaming mga kasama sa Glee Club sa Auditorium. As what I've said, no classes for today. Bukas na rin 'yong Foundation Day kaya para kaming langgam sa sobrang busy.

Tapos na rin kami sa pagpapapractice. Ipinapamigay na ni Gracielle 'yong mga isusuot namin for tomorrow.

"Salvadore Sophia." She called. Lumapit ako para makuha 'yong costume.

"Thanks." I said at bumalik na sa upuan. Kaagad kong tinignan 'to and WOW. 'Yong sa Interpretative dance, we are going to wear a backless one na parang bathing suit pero may short shorts. It's color silver; 'Yong isa namang para sa modern, it's a black crop too and a maong pants na puro sira. And may dog tag pang kasama. I like it.

Nilagay ko sa dala kong paper bag 'yong costumes.

After magpamigay ng costumes, dinismiss na rin kami ni Gracielle. Nauna nang umalis si Kei. She said, she's meeting someone.

"Hi." Napatingin ako sa taong nasa likod ko.

"Hey Heidi." I greeted.

"Uh? Can I have a walk with you?" Aniya. I nodded. Wala rin naman kasi akong gagawin. Marami kaming pinag-usapan. About the vacation at 'yong tungkol sa Foundation day.

"Uh.. By the way, are you still talking to him?" Tanong niya.

Kumunot 'yong noo ko. "Who?" I asked.

"Xyrus." Sagot niya. Napalunok ako. "I mean, diba sa Glee rin siya?" Tanong niya.

Napangiwi ako. "Yea. Pero nagmamadali rin siyang umalis kanina. Hind niya rin natapos 'yong whole practice kasi he needed to rush and practice with his band." I said.

She nodded. "Ahh." She said. Mukhang may sasabihin pa siya pero hindi ko na lang inusisa. She likes Xyrus. I love him. Hindi ko na yata kayang i-set pa sila. Hindi naman ako ganoon ka-martyr.

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad. May mga booths na rin na nakapwesto sa paligid ng school. Kahit 'yong Gym, inaayos na rin.

"So.. Are you guys still talking?" Tanong niya ulit. I nodded.

I wanted to ask why pero ayoko. Ewan. I feel something about this conversation.

Huminto siya sa paglalakad kaya napahinto rin ako. She looked at me. "Uh.. I know it's too much to ask kasi napagbigyan mo na ako but..." She sigh. No. "Can you tell him kung pwede kaming magdate tomorrow?" Aniya. Parang may kung ano sa dibdib ko na tumusok. Damn!

I don't want her to get hurt pero ako naman ang masasaktan. She didn't know that Xyrus is courting... ME Ugh! This is really frustrating! "Uh. I'll ask---" Naputol 'yong sasabihin ko nung nakita ko si Xyrus na nasa likod na ni Heidi. Teka? Saan siya nanggaling.

"I'm sorry." Aniya kaya agad na napatalikod si Heidi at hinarap si Xyrus. Halata 'yong pagkagulat ni Heidi.

"H-Hi Xyrus." Bati niya. Tinignan ko lang si Xyrus. He's wearing a black shirt and a camouflage shorts.

"I can't date you." Diretsong sabi niya.

Agad na namutla si Heidi. "Y-You heard us?" Tanong niya.

Captured Moments (Still Editing | On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon