Part 41

1 1 0
                                    



Sumabay ako kila Jasper sa pagpasok, tutal si Justin lang naman 'yong kasabay niya.

"Pia? Anong nangyayari sa manliligaw mo?" Tanong ni Jasper ng nakangisi.

I shrugged habang nagpipipindot sa phone ko. "I don't care."

Humalakhak siya. "Ewan ko sa inyo. Malalaki na kayo." Aniya.

Napatingin ako sa kanya. "Tss. Wala kaming problema, siya lang." I spat.

Ngumisi siya. "Ok.." Aniya at nagpatuloy lang sa pagd-drive. "By the way, Hailey's here." Aniya kaya halos malaglag ko 'yong phone ko. Napatingin ako kay Justin na medyo napa-ayos ng upo sa sinabi nung kakambal niya.

"D-Diba matagal na 'yan?" I asked.

Umiling siya. "I mean, literally here. Nasa Manila na." Aniya kaya halos bumagsak 'yong panga ko. I wonder what's Justin's thinking?

"Ah.." 'Yon lang 'yong lumabas sa bibig ko. Damn! Hindi naman pwedeng magtanong ako kung ano 'yong move na gagawin niya dahil nandito si Justin.

Wala ng kumibo sa amin hanggang sa makarating kami sa school. Agad akong inakbayan ni Jasper papasok. "I want to see her." Aniya. Napatingin ako sa paligid. Justin's not here kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"For what? Akala ko ba nagmu-move on ka na?" Mataray kong tanong.

"Nah. I just want to see her. If her look change or if she's still the Hailey I know." Aniya ng nakangiti.

"Tss. Pambakla 'yang sinasabi mo." Sabi ko at tinanggal 'yong pagkaka-akbay niya sa akin.

Nahinto naman kami sa pag-aasaran nung dumaan 'yong SR. Silang apat except kay Steffan. "Hey!" Bati nung tatlo syempre, except sa isa.

Tinanguan ko lang sila samantalang si Jasper, nakipagfist bomb pa. "Sige, mauna na ako." Paalam ko sa kanila.

They all nodded but I saw Bret talking to Xyrus. Winalang bahala ko na lang 'yon. Tss parang invisible lang ako sa kanya. Hay! Bahala na talaga siya!

Pumasok na ako sa klase at good thing, kaklase ko si Luke.

"Hi!" Bati niya.

Agad akong lumapit sa kanya. "Hello." I smiled. Umupo ako sa upuan ko pero siya nakatayo lang sa harap ko. "Ba't hindi ka umupo?" I asked.

Ngumiwi siya. "Hindi na, magt-time na rin naman." Aniya.

"Tss, dito ka na umupo sa tabi ko." I requested.

Nanlaki ng konti 'yong mata niya. "Ha? Hindi ba papasok si Xyrus?" He asked.

"Ewan. I saw him earlier." Sagot ko. "Pwede ka namang umupo diyan. He won't mind it anyway." Bitter kong sinabi.

Kinuha niya 'yong bag ko at umupo sa tabi ko. "So what's up with you and him?" Open niya ng topic.

I shrugged. "Huwag na nating pag-usapan." I said.

Kinunutan niya lang ako ng noo at hindi na nagtanong. He's not naive to feel na I'm not comfortable with his topic.

May bigla akong naalala. "Hey, may hindi ka nagagawa." I said, pampa-iwas na rin sa pag-iisip niya.

Kumunot nanaman 'yong noo niya. "Ano?" He asked.

"You said, may kanta ka for me. So where is it?" Tanong ko.

Mukhang nagulat pa siya at naalala ko pa. "I-I'm not prepared." Aniya.

I crossed my arms. "So kailan ko maririnig 'yon?" Paghahamon ko.

Napakamot siya sa batok niya. "Tomorrow, I guess?" Aniya.

Ngumisi ako. "Just kidding. Whenever you're ready." I said.

Captured Moments (Still Editing | On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon