Ang Pagtira sa Bahay ni Lola

3.9K 90 1
                                    

Ako nga pala si Ken,, college student na ko nakatira ko sa Manila,, ako at ang nanay ko na lang ang natitira. Ang papa ko ay pumanaw noong 2011 sa isang car aksident. Simula noon naghirap kami ng mama ko dumating sa punto na nangungutang na kami at hindi makabayad. At sa hirap ng buhay napilitan kaming ibenta ang aming bahay. Kaya nagaappartment kami. Dahil nga walang pera palipat lipat kami ng appartment. Walang permanenteng trabaho ang nanay ko minsan labandera, baby sitter, o di kaya ay taga linis ng bahay.

Isang araw, may tumawag na kamag-anak sa amin. Binalita na namatay raw yung lola ko sa part ng nanay ko yung mother nya. Dinalaw namin ito sa probinsya ng aurora. Labis akong nalungkot dahil simula nung sanggol ako hanggang sa natuto akong maglakad at magsalita siya ang nagaalaga sa akin, dahil ang mga magulang ko ay pursigidong magtrabaho para sa kinabukasan ko. Nung napatos ang burol at nailibing na ang lola ko may abogadong pumunta sa appartment namin para sabihin sa amin na binigay sa amin ang kanya pinakamamahal na bahay.

Natuwa ako at ang nanay ko dahil kahit papaano ay may permanente na kaming titirahan,. Mababawasan ang aming gastusin sa pangaraw araw. Kaya dali dali kaming lumipat sa bahay ni lola. Hinatid kami ng katulong ni lola sa loob ng bahay. Nagmasid masid ako sa paligid at nakita ko ang mga antik na bagay ni lola, pati lumang litrato. Lumabas ako ng bahay para bumili ng maiinom. Paglabas ng bahay makikita ang isang tindahan sa tapat ng bahay. Dun ako bumili pagkabili ko may sinabi sa akin ang tindera.

Tindera: Iho.!
Ken: po?
Tindera: magingat kayo sa bahay na yan. Maraming nagbabantay dyan. Mga nilalang na lumalabas sa dilim.
Ken: naku.! Hahaha balewala po yun sa tingin ko po si lola lang yun at binabantayan kami :)
Tindera: sana nga.

Pumasok na ko sa loob at tinulungan maglipat si nanay. Nakita ko rin na ang dami na palang sira ng bahay. Pati mga alikabok ang dami rin. Pinadala sa akin ni mama yung mga lumang litrato ng nga naging ninuno namin sa atik. Pag akyat ko naubo ako sa sobrang daming alikabok. Dala ang flashlight naglibot ako sa paligid ng atik at may nakitang baul. Dahan dahan kong binaba at dinala sa aking magiging kwarto at nilagay sa ilalim ng kama para mamaya makita ko yung laman. Inabot na kami ng dilim sa pagaayos at pagkatapos kumain natulog na ko sa kama ko.

Ang Bahay ni LolaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon