Nagising ako, bandang 11:30pm tahimik na ang bahay at nauuhaw ako kaya tumayo ako sa kama ko at pumunta sa kusina. Pagbukas ko ng ref. Biglang may kumalampag sa bandang sala kaya dahan dahan akong pumunta sa sala nakita kong bukas ang isang bintana. Nagtataka ako kung bakit bukas iyon, dahil sa pagkakaalam ko ay sinarado lahat ng aking nanay bago siya matulog. Dahan dahan akong lumamit sa bintana at isinara ko ito. D pa man ako nakakalayo sa bintana bumukas nanaman ito kaya isinara ko ulit.
Pagtalikod ko ay may nakita akong babae na nakaputi, duguan ang mukha at para ba syang may sinasabi pero hindi ko maintindihan dali dali akong pumasok sa aking kwarto ni lock ko ang pinto sabay talukbong ng kumot at pumikit. Iniisip ko na, nananaginip na lang ako, o d kaya ay binabangungot. Kinabukasan tumayo ako sa kama ko at tinignan ang paligid sinubaybayan ko ang sala pati na yung bintana kung saan ko nakita yung babae. Nagluluto na si nanay ng umagahan. Pinabili nya ako ng knor cubes sa tindahan sa labas. Nung bumibili ako may mga tambay na nakaupo sa may tindahan ay may pinaguusapan sila. Sinasabi nila na nagpakita nanaman daw yung white lady sa bintana. Nagulat ako dahil nakita ko rin iyon.
Dali dali akong pumasok sa bahay at pagkabigay ko ng knor cubes sa aking nanay tinanong ko sya. Nay may sabi sabi daw po sa bahay na to na may mga nagbabantay raw po dito. Anak kung may nagbabantay man dito ang lola mo yun mahal na mahal kaya nya tong bahay na to. Sana nga po nay, at kumain kami pagkaluto. Pagkatapos kumain e inilabas ko yung cellphone ko. Tinext ko yung aking kasintahan na si Nadine. Kinakamusta ko siya dahil ilang araw ko siyang hindi nakita. Sabi nya dadalawin raw nya ako dito. D nya sinabi kung kelan sya dadalaw sa akin dahil surprise daw iyon.
BINABASA MO ANG
Ang Bahay ni Lola
HorrorLumipat kami sa bahay nya simula noong pumanaw ang lola ko, at nung medyo tumagal na kami sa bahay medyo nararanasan na rin namin yung mga nakakakilabot na pangyayari.