Sa ika siyam na araw namin sa bahay ni Lola. Lumabas ako para bumili ng sigarilyo. Nagsisigarilyo rin naman ako syempre. Pero pag stress lang. Nakakastress ang mga pangyayari kahapon. Sunod sunod ang mga nagpapakita yung iba delikado. Sa tingin ko may mas dedelikado pa dun. Pumunta ko sa kwarto ko para itago ang sigarilyo sa damitan. Nahulog ko yung isa. Malapit sa kama. Yumuko ako dahil gumulong to sa ilalim ng kama. Nakita ko yung baul na nakita ko sa atik. Kinuha ko ito at umupo sa kama. Katanghaliang tapat nung binuksan ko ito.
Pagbukas ko lumamig ang paligid. Nangdilim. At para bang may hangin na dumaan sa akin. Nakita ko ang isang buto. Buto ang laman ng baul. Wala na itong amoy dahil cgurado kong matagal na to, at madali rin itong mabali. Kinabahan ako sa nangyari kaya lumabas muna ko at iniwan ang baul sa ilalim ng kama. Gabi na. Palagi naman e. Nanunuod kami ni nadine sa tv, habang kumakain. Si nanay tulog na. Mga bandang 10:00 na ng gabi. Nauuhaw raw si nadine kaya kumuha ako tubig sa baba pagbaba ko binuksan ko ref namin. Pag harap ko sa likod may babaeng nakatayo nakatalikod sa may pinto namin sa baba. Naka belong itim siya. Tumindig balahibo ko.
Tapos humarap siya sa akin. Ngumiti. Ang itim ng kanyang labi pati mata. Tapos sumanib siya sa akin. Nagiging itim ang aking mga mata. Narinig ni nadine ang ingay kaya dalidali siyang bumaba. At nakita niya kong itim ang mata at kakaiba tumakbo siya papalapit sa akin pero bigla ko siyang sinakal at itinaas ko siya. Nagsimula akong magsalita pero hindi boses ko kung hindi boses ng isang galit nababae. " Lumayas na kayo sa pamamahay na ito. Akin tong bahay na to simula ngayon " . Biglang naging tahimik ang lahat nawala siya sa katawan ko. Binitawan ko na si nadine at dalidaling hinagkan siya. Pasensya ka na. Ani ko. Umakyak kami sa taas at ginising si nanay upang ikwento ang nangyari. Pero hindi pa dun nagtatapos ang lahat.
BINABASA MO ANG
Ang Bahay ni Lola
HorrorLumipat kami sa bahay nya simula noong pumanaw ang lola ko, at nung medyo tumagal na kami sa bahay medyo nararanasan na rin namin yung mga nakakakilabot na pangyayari.