Ang Salamin

1.6K 56 0
                                    

Kinaumagahan ika anim na araw na namin sa bahay ni lola. Lumabas naman ako ng bahay para naman makalanghap ng sariwang hangin sa labas. Puro alikabok at kababalaghan kasi ang naaamoy ko palagi. Naisip kong pumunta sa likod bahay ni lola. Dahil hindi ko pa ito nabibisita tumambad ang isang lumang bahay tambakan. Nakapadlock na ito, pero may pala sa gilid kaya ginamit ko ito para mabuksan ang pinto. Pag pasok. Napansin ko ang sobrang raming sapot ng gagamba alikabok din ang dami. May bumbilya dito kaya binuksan ko. Napakaluma na ng mga gamit dito. May iba ding pala, paso, bike na kinakalawang, lumang aparador na puro sira, at sa gitna ng munting tambakan makikita ang isang malaking bagay na nakasabit sa pader. Nakataklob ito ng puting tela. Tinanggal ko ang tela upang makita kung ano yun. Tumambad sa akin ang isang antique na salamin.

Napaka ganda ang naturang salamin. Nahuhumaling ako dito sa sobrang ganda, kaya pinunasan ko ito at ipinasok sa loob ng bahay, sa may kusina. Natataka ako kung bakit doon nilagay ang salamin. Ang ganda ganda pa naman nito. Halatang mahal ang pagkakabili dito. Nung nakita ni nadine ang naturang salamin. Nagtaka siya, nakaramdam siya ng kakaiba. Pero binalewala ko iyon dahil nahuhumaling talaga ako sa salamin para bang may kakaiba. Ang nanay ko rin nagandahan sa salamin kaya pinalagay nya sa may sala, sa taas sa may bintana. Habang nililinis ko ito may nakita ko sa likod ng salamin na pangalan ng antique shop sa novaliches ang lugar.

Kinagabihan hindi ako makatulog dahil may tumatawag sa pangalan ko. Tumayo ako, lumabas at sinundan ang tinig ng boses ang isang babae nakita ko si nadine sa harap ng salamin at tinitignan niya ang salamin. May hawak siyang martilyo. Balak niyang basagin ang salamin. Pinigilan ko siya, nagalit ako sa kanya. Bakit niya kasi yun gagawin wala namang ginagawa sa kanyang masama yung salamin dba.? Nagalit din sa akin si nadine pumasok siya sa kwarto. Natulog siya ng nakatalukbong. Galit nga siya, pero hindi ko pinansin iyon. Para sa akin mas mahalaga ang salamin. D ko alam pero parang yung salamin ang tumatawag sa akin.

Ang Bahay ni LolaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon