Ang Salamin ( Part 2 )

1.5K 54 1
                                    

Sa ika pitong araw namin sa bahay ni lola. Napapansin ako palagi na nakatitig sa salamin. Gustong gustong basagin ni nadine ang salamin. Paulit ulit din niyang sinasabi sa akin na simula nung dumating ang salamin. Kung ano ano nang kakaibang pangyayare ang nangyayare sa akin. Pero hindi ko iyon pinansin. Dahil ako ay nagagandahan para bang may gusto ako sa salamin. Palagi nitong tinatawag ang pangalan ko. Nabwisit na si nadine kaya pinuntahan niya ang antique shop sa novaliches. Sakto namang bukas iyon pagpunta niya. Tinanong niya ang nagbabenta kung may bumili ba sa kanya ng isang salamin na antique na sobrang ganda. Sinabi ng nagtitinda na, merong bumili pero napagatagal na niyon. Isang matandang babae ang bumili sa akin. Pero Tinanong ni nadine kung bakit binenta niya ang salamin?

Sabi naman ng nagtitinda ang salamin nayon ay sobrang kakaiba. Para bang mahuhumaling ang lahat ng kalalakihan. Tanging lalake lamang ang mahuhumaling sa salamin. Nahumaling ako doon, ayaw ko yong ibenta. Pero nauto ako ng matanda kaya nabigay ko sa kanya sa halagang 15,000 medyo mura na rin yun dahil ang ganda talaga. Tinanong din ni nadine kung saan galing ang salamin. Ang salamin ay galing sa isang matandang lalake. Binigay niya sa akin ang salamin sinasabi niyang may kakaiba doon sa salamin. May babae raw doon sa loob nun pag tinignan mo ito ng maige. Sinasabi rin ng matanda na nagbigay na takpan ang salamin. Nahuhumaling lahat ng tumingin doon hanggang sa tuluyan ka ng mabaliw at kuhanin ka ng babae sa salamin. Gusto niya ng lalake para may kasama siya sa loob.

Pero hindi ako naniniwala sa matanda. Sa tingin ko gawa gawa lang niya ang mga kwento na yun para walang kumuha ng salamin. Ahh ganon po ba? Cge po salamat po sa mga sinabi ninyo. Ani ni nadine. Dali dali siyang bumalik sa aurora kung nasan kami. Pagbalik niya ang nanay ko ay nasa kusina at kinakabahan. Tinanong ni nadine ang nanay ko. Sinabi ni nanay na, ako raw ay hindi na kumakain. Palagi akong nakatitig sa salamin na yan. Ang pakiramdam ko sa salamin ay pagmamahal. Nahuhumaling ako ng sobra d ko alam kung baket.

Ang Bahay ni LolaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon