Sa katanghaliang tapat, ikalawang araw namin sa bahay, naglibot libot ako sa lugar sa kwarto dati ni lola ako napadpad binuksan ko ang pinto at naamoy ko ang katandaan ng lugar, at ang amoy ni lola na gustong gusto ko. Nilibot ko ang kwarto at may nakita akong drawer na nakapadlock. D ko alam kung paano bubuksan iyon pero may nakita akong susi sa ibabaw nito. Ginamit ko ito para mabuksan, at nakita ko ang isang lumang manika. Wala na yung isang mata nito halatang tinahi cguro nung may ari ng manika yung damit.
Nilagay ko sa kwarto ko yung manika. Balak kong ipakita, kay nadine ang naturang manika. Papakagat na ang dilim, panahon ito kung kelan ako naliligo, pagkatapos maligo pumunta ako sa kwarto. Pagkatapos buksan ang pinto nakabungad kagad ang nakuha kong manika nasa sahig ito para bang naglakad. Kinuha ko ito at nilagay ko sa ibabaw ng kama. Binuksan ko ang damitan ko at may parang kumalampag sa likod ko. D ko muna pinansin hanggang sa nakabihis na ako. Pagtalikod ko nawala sa pwesto ang manika, nakita ko ito sa tabi ng pinto para bang gustong lumabas. Binuhat ko ito at nilagay ko sa aking damitan. Doon muna siya para hindi siya mawala. Gabi na oras na para matulog, nakahiga na ko sa aking kama at hindi ako makatulog dahil kumalampag ang aking damitan parang bang meron bagay na gustong kumawala.
Tumayo ako sa aking kama hawak ang unan binuksan ko yung damitan. Nagulo lahat ng damit ko pwera sa manika na umiiyak ng dugo. Dinala ko siya sa kwarto ni lola sa drawer kung saan ko siya nakita nilagay ko doon at nilock d pa man ako nakakaalis ng kwarto kumalampag din ang drawer ni lola at umapaw ang dugo kung saan ko nilagay ang manika. Umagos ang dugo sa sahig napuno ang drawer. Natakot ako kaya dali dali akong pumasok sa kwarto ko at natulog. Eto nanaman ako at iniisip ko na nananaginip na lang ako.
BINABASA MO ANG
Ang Bahay ni Lola
HorrorLumipat kami sa bahay nya simula noong pumanaw ang lola ko, at nung medyo tumagal na kami sa bahay medyo nararanasan na rin namin yung mga nakakakilabot na pangyayari.