Kinabuksan ikatlong araw na namin sa bahay. Itinext ko si nadine upang ikwento sa kanya lahat ng naranasan ko pero ayaw din nyang maniwala. Kinausap ko rin si nanay kung may nararanasan siya dito sa bahay pero wala naman daw siyang narararanasan o nararamdaman. Tanghaling tapat, nakatulog si nanay sa kusina, ako naman ay umakyat sa ikalawang palapag kung nasaan ang bintana kung saan ko nakita yung babae. Doon muna ako naupo sa rocking chair para pumikit d pa man ako nakakapikit e parang may tumatakbong bata sa likod ko. Pagtingin ko tahimik naman ang buong paligid.
Maya maya pipikit ulit ako ng biglang may bumulong sa tenga ko ng " laro tayo " nagulat ako dahil wala naman akong kasama sa ikalawang palapag. Lumingon ako at walang naroon palagi namang ganon e. Maya maya ,may nalaglag na bolang pula sa hagdan tinignan ko. Pag harap ko sa likod ko nakita ko yung batang umiiyak wala siyang mata at puro sugat ang katawan umiiyak siya ng itim na dugo, sinasabin niya habang umiiyak siya na " pakuha naman nung bola ko nahulog ko kasi sa hagdan hindi ko kaya bumaba kasi sabi ng nmommy wag daw mag lalaro sa hagdan" sinabi ko sa kanya na sige sige kukuhanin ko nanginginig ako habang bumababa ako sa hagdan at hinagis ko sa bata yung bola kaya lang biglang nawala yung bata. Nagpagisip isip ko na kaya cguro namatay yung bata dahil nahulog siya sa hagdan.
Tinawag na ko ng nanay ko para magtanghaliaan. Nagising na pala siya, parang may kakaiba rin sa nanay ko para bang meron syang hindi sinasabi sa akin. Pero binaliwala ko muna iyon, hindi ko pinansin pero malalaman ko rin kung bakit.
BINABASA MO ANG
Ang Bahay ni Lola
HorrorLumipat kami sa bahay nya simula noong pumanaw ang lola ko, at nung medyo tumagal na kami sa bahay medyo nararanasan na rin namin yung mga nakakakilabot na pangyayari.