Masaya kaming gumising ni nadine dahil sa nangyare kagabi. Ika limang araw na namin sa bahay ni lola. Masayang horror hunting ang nangyare dun sa lalake. Pero ang nanay ko napapansin ko na balisa siya at parang laging puyat. Kwinento ko kay nadine ang nararamdaman ko sa nanay ko. Dahil pag tinanung ko naman siya kung ano ang nangyayare sa kanya. Hindi naman siya sumasagot. Sabi naman ni nadine subaybayan daw namin ang nanay ko. Natuwa ako dahil nakakaramdam ako ng isa nanamang nakakakilabot na pakiramdam. Kung baga may ibang nilalang ang nasa likod nito.
Nagaagaw dilim at liwanag na. Habang nagluluto ng hapunan si nanay pinasok namin agad ang kwarto niya. Tahimik naman. Ng biglang may gumalaw sa ilalim ng kama. Dumapa si nadine, at tinignan. Wala siyang nakita kung hindi alikabok at dumi. Papasok si nanay sa kwarto kaya dali dali kaming pumasok sa cabinet. May butas ang cabinet kaya nakasilip kami laging siyang nasa pader. Kung baga nakahawak siya sa pader at may hawak na kutsilyo. Sabi niya, lumayo ka na sa akin. Wala naman akong ginagawang masama sayo kaya tigilan mo na ko. Habang nakaduro ang kutsilyo sa ilalim ng kama. Walang sumagot, hanggang sa may lumalabas na ulo sa ilalim ng kama at gumagapang ito papunta kay nanay.
Babaeng nakaitim nakataklob ang mukha ng buhok at may matutulis na kuko. Para bang gusto niyang hilahin si nanay. Nakaduro si nanay sa kanya habang sinasabi na lumayo ka. Tantanan mo na ko. Pero walang nangyare papalapit parin ng papalapit ang babae. Tinusok niya ang ulo. Nagdugo at lumabas ang mga kadiring bulate sa ulo. Eto kami ni nadine. Nanunuod at d makagalaw sa takot dahil pinakagrabe to sa lahat. Hanggang sa hawakan na nya ang paa ni nanay at sabay hila. Lumabas ako at hinawakan ko si si nanay sa kamay. Sabay hila. Tumulong din si nadine iyak ng iyak si nanay. Nalaglag pala ang kutsilyo. Buti na lang at nakuha ko at hinagis ko sa kamay ng babae na yun tumili ito at nawala ,hinitak namin si nanay. At lumabas kami sa kwarto. Sa kusina habang takot na takot si nanay kwinento niya ang mga nangyare simula nung lumipat kami sa bahay.
Sinabi niya na simula nung lumipat kami sa bahay lagi daw siyang ginugulo nung babae sa kama. Alog ng alog ang kama niya ayaw siyang patulugin. Hindi naman daw nagsasalita ang babae. Dumating daw sa punto na gumapang ito palabas ng kama at tumabi sa kanya. Hindi niya masabe sa akin dahil ayaw niyang matakot ako at mapilitang umalis sa bahay. Dahil nakakamenus na kami sa gastusin. Pero sabi ko nanay kung kelangan nating umalis dito aalis tayo kung buhay naman pala natin ang kapalit. Pero hanggang sa wala pa tayong malilipatan magtyatyaga muna tayo dito dun ka muna sa kwarto ko.
Sabi naman ni nanay, na hindi naman daw nananakit yung babae para bang gusto lang nito ng kasama sa ilalim ng kama o kung nasan man siya. Pag-pinapaalis ko siya lalo siyang nagagalit. Kaya no choice ako anak, napapakuha ako ng kutsilyo. Ayoko kasing ipaalan talaga sayo. Kaya sorry anak. Sinabi ko na ayus lang naman ma basta dun ka sa kwarto ko muna kasama natin si nadine baka kung ano pa mangyare.
Ayun nga natulog kami sa kwarto ko naging tahimik naman ang gabi. Bagkus iniisip ko bakit kaya ang daming multo sa bahay? Tsaka yun lang kaya ang multo dito? O meron pa?
BINABASA MO ANG
Ang Bahay ni Lola
HorrorLumipat kami sa bahay nya simula noong pumanaw ang lola ko, at nung medyo tumagal na kami sa bahay medyo nararanasan na rin namin yung mga nakakakilabot na pangyayari.