Part 1

1.8K 23 3
                                    

This is my first time to write a story. Hehe sorry if this will get you bored but I hope magustuhan nyo to. :)

-----------------------------------------------------------------

Bakit nga ba ito ang title ng story? Wala lang. Naisip ko lang bigla. Haha. Alam nyo yung feeling na, yun yung unang thought na pumasok sa utak ko nung nabasa ko yung field na "title of the story". Kaya dito ko nalang paiikutin ang story. It may sound weird right? Yung iba kasing author may story muna bago nila pinagiisipan yung title based on how the story went. Well anyway, please vote and comment para mainspire akong ituloy-tuloy to :)

-----------------------------------------------------------------

Being a bisexual is not an excuse. Tama? Tama! Sa lahat ng bagay. Mapa-pagibig man yan o human rights. But this story will more likely focus on the "love" aspect.

-------

Ang sarap ng tulog ko! Parang ayaw ko pang bumangon sa higaan pero heto kailangan ko padin bumangon dahil malelate nanaman ako sa school. Buti nalang inspired akong pumasok :). Makikita ko nanaman yung tropa kong crush na crush ako. Chos. I mean, crush na crush ko. Mga 30minutes siguro akong nagde-day dream kaya napabalikwas nalang ako nang makita kong alas otso na! 10am ang pasok ko sa school at 2hrs ang byahe ko from our house so just do the math kung di ba ako malelate. Lol

Kesa di ako maligo, I decided to just go with the flow. Anong gagawin ko e late na din naman ako? Kesa pumasok ako ng di naliligo. Ayoko ngang maturn off yung crush ko sakin. Hahaha medyo malandi. Oh. By the way, di nyo pa pala ako kilala, ako si Anthony De Dios. Isang Freshman student sa isang malaking unibersidad sa kahabaan ng España sa Maynila.

Pagkatapos kong maligo ay dali-dali akong nagbihis at lumabas ng pintuan ng aming bahay. Mga 9am na nun at swertihan kung walang traffic. Di ako talaga kumakain ng breakfast so nakatulong na din yun para makaalis agad ako ng bahay. Day dream day dream ka pa kasi e. Ngarag ka tuloy!

Nakasakay na ako ng bus pa-lawton and luckily, nakaupo ako. Usually kasi pag pumapasok ako, tayuan na talaga. Medyo wala ako sa mood tumayo for almost 2hrs ngayon. Late na nga ako, tatayo pa sa bus? Kawawa naman ang kagwapuhan ko diba. Saka baka pagpiyestahan ako ng mga pasahero. Haha ang yabang ba ng dating? Di naman sa pagmamayabang pero ako siguro yung best description ng tall, dark, and handsome. Syempre bukod kay Richard Gomez. Wala akong laban dun dahil pati ako ay nagpapantasya din sakanya haha. Well, habang nasa byahe, huminto yung bus dahil may sasakay na mga pasahero. Medyo pilyo ang lola nyo! Kapag may sumasakay ng bus, winiwish ko na sana gwapong lalake ang tumabi sakin. Para naman di ako mabored sa byahe. Kadalasan kasi ay mga babae ang nakakatabi ko sa bus, siguro ay dahil nagagwapuhan sila sakin. "Di kita type te!" Sa isip ko kapag babae ang tumatabi sa akin. Di ko nalang namalayan na may katabi na pala ako. At sa sobrang liit ng mundo, estudyante din sya sa pinapasukan kong universidad. Makaarte kailangan "v" ang universidad. Hahaha

Architecture student sya base sa suot niyang uniporme. Sa school kasi namin, every college or course, may sari-sariling disenyo ng uniporme. Gustung-gusto ko ang uniform ng mga archi students. Ewan ko kung bakit. Pero kapag suot nila yun, sobrang gaganda at ggwapo nilang pagmasdan. Pinangarap kong magsuot ng uniform nila. Pero not ideal ang magtransfer ng course dahil wala naman akong binatbat sa pagddrawing! Kahit nga bilog di ko maperfect i-drawing e. Hahahaha. Palihim akong sumusulyap sa katabi ko kapag may pagkakataon dahil di ko napagmasdan ang mukha nya nung paupo palang siya sa tabi ko. Hilig ko mag daydream kasi e pansin nyo din? Leche flan. Pero confident naman akong gwapo sya. Hahaha kasi nga archi student sya. Sa pagsulyap sulyap ko sakanya, kinilig agad ako! Sobrang puti nya, daig nya pa yung labanos sa puti. Matangos ang ilong, makakapal na kilay, mapupulang labi, shet! Ang perfect naman nitong lalaking to! Edi ikaw na! Pero dont get me wrong ha. Mas gwapo padin ako sakanya at mas mukhang lalaki dahil sa kutis ko kaya naman patas lang kami. Pero jusko lord. Penge pong kanin! Ang dami nitong ulam na binigay niyo sakin! Thank you po.

Being Bisexual Is Not An Excuse [BoyXBoy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon