Part 7 - Basket-bolero

388 8 1
                                    

This part is dedicated to Kuya_Soju

Johnson's P.O.V.

Thursday

Gabi na pero hindi pa rin ako makatulog. Iniisip ko ang mangyayari bukas. Magdedate kami ni Anthony! O dahil excited lang din ako maglaro ng basketball? Bakit naman ako maeexcite eh madalas naman akong maglaro. Minsan nga nakakapagod na magtraining e. Pero iba 'to. Magtuturo ako ng basketball. Bago yun ah. Maikli pa naman ang pasensya ko sa pagtuturo. Sana mabilis siyang matuto. Haaay Anthony. Ano bang ginawa mo sakin? Alas dos na ng madaling araw dilat na dilat pa rin ang mga mata ko.

Friday

Maaga akong nagising. Alas sais palang ng umaga ay gising na ang diwa ko. Kakayanin ko kayang maglaro? Halos apat na oras pa lang ang tulog ko. Pero hindi ko naiisip yun sa ngayon. Kailangan kong maghanda para sa pagkikita namin ni Anthony. Kinuha ko agad ang cellphone ko at nagtext.

"Morning pre. Yung laro natin wag mong kalilimutan ah. Kita nalang tayo dito sa kanto ng Sorento. 4pm. *wink*"

Bakit ako yung kinilig? Ako na nga ang nagtext ay ako pa rin ang kinilig. Hahaha kailangan talaga may emoticon na naka wink. Hindi maalis ang ngiti sa aking mga labi habang iniisip ko siya. Ang tagal naman niyang magreply. Magreply ka na please? Sabi ko sa sarili ko. Pagkalipas ng ilang minuto, nakareceive ako ng text. Si Anthony!

"Okay bro. Salamat ha. Nakakahiya nga sayo pero tuturuan mo pa rin ako. See you!"

Hindi ko na siya nireplyan. Baka kung ano pa ang isipin niya. Ayokong maging sweet sakanya kasi baka mailang siya sa akin. Kahit para na nga kaming magsyota dahil oras oras ay magkatext kami at minsan ay nagtatawagan pa. Iba talaga itong si Anthony. Kung magiging bakla nga talaga ako, ayos lang kung siya ang makakasama ko sa buhay.

Alas kwatro na ng hapon pero wala pa siya. Kanina pa ako dito sa kanto. 3:30pm palang yata ay nagaabang na ako dito. Habang nagdidribol ng bola ay nakita ko na siya. Ang gwapo naman ng kaibigan ko! Nakapustura talaga siya ng husto. Mukhang nagpagwapo ng todo. Nakapulang jersey siya at asul na shorts na talaga namang lalong nagpagwapo sakanya. Bagay na bagay sakanya ang kanyang suot. Kahit naglalakad sa arawan ay mukha pa rin siyang mabango at hindi nga ako nagkamali. Ang bango niya. Ang sarap amuyin. Natulala ako sa mukha nyang nakangiti sa akin habang papalapit siya.

"Sorry bro. Kanina ka pa ba dito? Nilakad ko lang kasi mula sa kanto namin. Para makapag warm up na rin hehe." Ang tanong ni Anthony.

"Hindi naman. Kararating ko lang din kani-kanina. Ano? Tara na?"

"Tara! excited na akong magpapawis! Hehe"

Dalawang oras ko rin tinuruan si Anthony kung paano maglaro ng basketball. Simula sa tamang pagdidribble ng bola hanggang sa pagshoshoot nito. Madali naman nyang natutunan kung paano magbasketball. Lalong tumindi ang paghanga ko sakanya. Napahiga nalang kami sa court gawa na rin siguro ng labis na kapaguran. Pinunasan ko ang mukha nya ng hawak kong bimpo at nagpasalamat naman siya. Nakatitig lamang ako sa mukha niya habang nasa ganoong posisyon. Hindi talaga nakakasawang pagmasdan ang itsura niya. Mas lalo akong nahuhulog sa kanya. Natigilan ako ng bigla siyang magsalita,

"Bro, may dumi ba ako sa mukha? Kanina ka pa nakatitig eh."

"Ang gwapo mo kasi pre. Ang sarap pagmasdan ng mukha mo." Shet! Ano nga ulit yung sinabi ko??

"Basketbolero ka talaga bro. Wag mo nga akong binobola. Sige ka, baka maniwala ako. Hahaha"

Bakit hindi niya sineryoso yung sinabi ko? Seryoso kaya ako. Hmm.

"Bola ka ba ng basketball pre?"

"Bakit?"

"Kasi ayaw kong maagaw ka ng iba."

...

...

...

Ang tahimik. Bigla siyang hindi nagsalita. Hindi rin ako makapagsalita dahil sa sobrang kahihiyan. Naisip kong yayain na siyang umuwi para mabasag ang katahimikan. Tumayo ako sa pagkakahiga. Iniabot ko ang kamay ko sakanya at sinabing "Tara uwi na tayo?" Hinawakan niya ang kamay ko pero imbis na matulungan ko siyang tumayo ay nahila niya ako. Napakabilis ng mga pangyayari dahil hindi ko na namalayan na nakapatong na pala ako sa kanya habang nakadikit ang mga labi ko sa mga labi niya. Uminit ang mga pisngi ko habang nasa ganoong posisyon. Nagtatalo ang isip ko kung tatayo ba ako o mananatili sa ganoong puwesto. Mga isang minuto rin bago ako nagdesisyong tumayo na. Tumayo na rin siya magisa. Grabe ang awkward! Naglakad na kami palabas ng court. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Nagsalita na ako.

"A-Anthony, pwede ba kita ihatid? Wala naman kasi akong gagawin. Maaga pa naman." Nauutal kong tanong.

"Sigurado ka ba? Alam ko pagod ka na rin. Baka gusto mo nang magpahinga. Kaya ko naman ang sarili ko."

"Oo. Sigurado ako. Di ba ayaw ko ngang maagaw ka ng iba?"

"Wala namang aagaw baliw! Hahaha" natigilan ako sa sinabi niya. Nahuhulaan na kaya niya ang totoong nararamdaman ko para sa kanya?

"Mabuti nang malinaw." Sabi ko na may kasamang kindat.

"Johnson, salamat nga pala."

"Saan?"

"Sa pagtityagang magturo sa akin."

"Wala iyon. Ikaw pa. Malakas ka sa akin. Saka mabilis ka naman matuto. Kaya hindi ka mahirap turuan. Gusto mo kahit araw araw pa e. Hehe"

"Hahaha basket-bolero ka talaga. May training ka kahit sem break di ba? Hahaha wag mo nga akong binobola. Di yan uubra sa akin."

Oo nga pala. May training nga ako. Pero totoo naman lahat ng sinabi ko eh. Okay lang na hindi makapagtraining basta siya ang kasama ko.

"Hindi kita binobola. Seryoso ako sa'yo. Este seryoso ako sa sinabi ko."

"Oo na. Seryoso ka na kung seryoso. Hahaha naniniwala na ako. Sige na papasok na ako. Ingat ka pag-uwi ah."

Parang kay Anthony na umiikot ang mundo ko. Ni hindi ko nga namalayan na nakarating na kami sa harapan ng bahay nila. Maganda iyon. Simple pero maganda. Nagpaalam na din ako sa kanya at naglakad na pauwi.

Pagkadating ko sa bahay ay agad akong dumiretso sa kwarto ko. Pumasok na rin ako sa banyo para maligo. Matapos kong maligo ay lumabas ako ng banyo na nakatapis lamang. Laking gulat ko nang makita ko siyang nakaupo sa kama ko. Si Nikki.

Itutuloy...

A/N: Sorry guys kung now lang yung update. Nabura kasi yung una kong sinulat. Sobrang depressed ako kahapon kung alam niyo lang :(

Enjoy reading and please, vote and comment! :)

Being Bisexual Is Not An Excuse [BoyXBoy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon