Part 10 - In sickness and in health

197 12 7
                                    

Johnson's POV

Tatlong linggo na rin ang nakalipas ngunit hindi pa rin siya gumigising. Naiinis ako sa sarili ko kung bakit hindi ko man lang napansin.

Pinaliwanag sakin ni tita ang lahat. May cancer si Anthony sa utak at nasa kanyang last stage na. Laking gulat ko noong narinig ko ang katotohanan galing mismo sa kanyang ina. Parang gumuho ang mundo ko nang mga oras na 'yon. Gusto kong umiyak pero alam kong kailangan kong magpakatatag dahil ngayon ako mas kailangan ni Anthony.

Magmula noong gabing dinala ko sya sa ospital ay araw-araw kong inaabangan ang paggising niya. Bago pumasok sa school ay dumadaan ako sa ospital. Dali-dali naman akong umuuwi pagtapos ng klase, diretso ulit sa ospital, nagbabaka-sakali na isang araw, nakangiti syang babati sakin at sasabihing miss na miss na nya ko.

Hindi ako sanay na makita syang nakahiga lang sa kama ng ospital, walang malay, at unti-unting nanghihina. Minsan ay napapaisip ako kung bakit sa tagal naming magkarelasyon ay hindi niya sinabi sakin ang tungkol sa sakit nya. Alam ko pinoprotektahan nya lang ako at gusto nyang maging normal lang ang lahat, pero mas nasasaktan ako sa mga nangyayari ngayon. Sobrang napaka-walang kwenta kong boyfriend! Hindi ko man lang sya nadamayan sa mga paghihirap nya. Kung pwede lang sanang ako na lang ang nagkaroon ng malalang sakit. Pero nandito na 'to. Kailangan kong magpakatatag para saming dalawa.

Umuwi ako para maghanda para sa monthsary namin kinabukasan. Habang tinititigan ko ang mga litrato naming dalawa para sa ginagawa kong scrapbook na sorpresa ko sakanya ay kusang tumulo ang mga luha ko. Nakakamiss balikan ang mga  tagpong masaya kaming namamasyal habang magkahawak ang kamay. Umaasa pa rin ako na may himala ang Diyos at magsasama pa kami nang matagal ng kaisa-isang lalaking minahal ko.

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Siguro nga ay dahil excited akong ipakita kay Anthony ang sorpresa ko. Naglalakad ako sa hallway ng ospital papunta sa ICU. Sa kanang kamay ko ay isang bouquet ng red roses na alam kong paborito nya, sa kaliwa naman ay cake at ang scrapbook na pinagpuyatan ko kagabi. Laking gulat ko nang makita kong wala na si Anthony sa ICU! Hinanap ko rin si tita pero hindi ko sya nakita malapit doon. Hindi ko alam pero tila kinabahan ako noong mga oras na yon. Nagdesisyon akong lumapit sa nurse station para magtanong ngunit bago pa man ako makalapit ay may biglang humawak sa mga braso ko. Si Anthony! Laking tuwa ko nang makita ko syang may malay na. Nakaupo sya sa isang wheelchair kaya naman sa sobrang pagkagalak ko ay napaluhod ako at niyakap sya ng mahigpit. Para akong batang umiyak nang malakas. Sobrang saya ko at gising na si Anthony.

Anthony's POV

Nagising ako sa ICU ng isang ospital. Feeling ko ang tagal kong nakatulog. Nilapitan ako ng mga doktor at nurse at habang nagkakagulo sila ay nakita ko si mommy na nakangiti at umiiyak habang nakahawak sa kamay ko. Medyo drama queen talaga 'to si mommy eh. Halos nanghihina pa ako pero matapos akong obserbahan ng mga doktor ay nagkaroon na kami ng chance magusap ni mommy. Nalaman ko na mag-iisang buwan na pala akong comatose. Totoo ba? Walang ligo at toothbrush? Kidding aside, bigla kong naalala si Johnson. Siguro sa oras na 'to, alam na nya ang lahat. Hindi ko alam kung paano sasabihin sakanya ang tungkol dito. Siguro galit na galit siya sakin kasi naglihim ako sakanya. Hinanap ko sya sa paligid pero wala. Tinanong ko si mommy kung nakita niya ba si Johnson. Nalaman ko na araw-araw pala nya akong binabantayan sa loob ng ICU, hinihintay na magising ako. Na-guilty ako pero at the same time kinilig. Feeling ko ang haba ng buhok ko. Mahal na mahal ako ng taong mahal na mahal ko rin.

Makalipas ang isang oras, inilipat na ako sa regular room. Medyo napasarap ang kwentuhan namin ni mommy kaya hindi ko namalayan ang oras. Umaga na pala. Niyaya ko si mommy na lumabas. Gusto kong makalanghap ng sariwang hangin at maarawan kahit papaano. Habang nagpapalipas ng oras sa garden ng ospital ay nakita ko si Johnson. May bitbit na cake at bulaklak. Ang sweet talaga nitong boyfriend ko! Tinawag ko siya pero hindi nya ako narinig. Hindi pa nga pala nya alam na nagising na ako. Sinubukan ko syang tawagan sa cellphone pero hindi siya sumasagot. Mga tatlong beses ko rin syang tinawagan pero wala pa rin. Nagdesisyon na akong sundan sya. Dumiretso sya sa ICU area. Syempre di pa nga nya alam na gising na ako. Haha kawawa naman ang baby ko. Habang lumalapit ako sakanya ay di ko maiwasang maiyak sa nakita ko. Sobrang namayat si Johnson. Feeling ko di na nya naaalagaan ang sarili nya simula noong naospital ako. Gusto kong tumakbo papunta sakanya pero medyo nanghihina pa ako. Di rin nagtagal ay nakalapit din ako sakanya. Mukhang hindi nya pa ako napapansin. Ano kaya iniisip nitong mokong na 'to. Hinawakan ko sya sa braso nya. Nakangiti ako habang hinihintay syang lumingon sakin. Hindi ko na inasahan ang mga sumunod na nangyari. Nagulat nalang ako na magkayakap na kami habang umiiyak kami pareho.

A/N: sorry for the late update guys. Medyo busy lang. Please vote and comment guys!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 17, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Being Bisexual Is Not An Excuse [BoyXBoy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon