Part 8 - Can this be love?

410 9 3
                                    


Johnson's P.O.V.

Pagkadating ko sa bahay ay agad akong dumiretso sa kwarto ko. Pumasok na rin ako sa banyo para maligo. Matapos kong maligo ay lumabas ako ng banyo na nakatapis lamang. Laking gulat ko nang makita ko siyang nakaupo sa kama ko. Si Nikki.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko kat Nikki.

Nikki: "Pwede ba tayong magusap?"

"Sige hintayin mo ako sa baba. Magbibihis lang ako."

Lumabas ng kwarto si Nikki pagkatapos kong sabihin na magbibihis lamang ako. Bakit kaya siya biglang pumunta dito? Pwede naman niya akong itext o kaya ay tawagan na lang. Pagkatapos kong magbihis ay bumaba na ako sa sala. Ilang minuto rin kaming hindi nagkikibuan. Walang gustong magsalita kaya napagdesisyunan kong ako na ang mauuna.

"Kamusta sem break?"

Nikki: "Johnson, ano ba ako sayo??!"

"Anong ibig mong sabihin?"

Nikki: "Tayo! Ano ba tayo? Naguguluhan na ako eh!"

"Magkaibigan tayo Nikki di ba?"

Nikki: "Hanggang doon na lang ba? Mahal kita Johnson! Manhid ka ba?!!"

Nagulat ako sa sinabi ni Nikki. Mahal daw niya ako. Oo aaminin ko gusto ko siya. Dati. Noong akala ko ay gusto ko talaga siya. Pinilit ko ang sarili ko. Na magpakalalaki. Sinubukan kong mahalin si Nikki pero hindi ko talaga kaya. Hanggang kaibigan lang ang tingin ko sa kanya.

Nikki: "Ano? Magsalita ka! Ginagago mo lang ba ako?"

"Gusto kita Nikki! Pero may iba na akong mahal. Hanggang pakikipagkaibigan lang ang kaya kong ibigay sayo. Sorry."

Nikki: "Hindi ako naniniwala sayo! Siguro sa gagawin kong 'to, matatauhan ka!"

Nagsimulang hubarin ni Nikki ang kanyang pang-itaas. Habang hinuhubad niya ang kanyang bra ay bigla niya akong sinunggaban ng halik. Hindi ko maintindihan pero gumanti naman ako sa mga halik niya. Pero habang hinahalikan nya ako ay si Anthony ang naiisip ko na kahalikan ko. Kumalas ako mula sa mga halik na yun.

"Ano bang ginagawa mo? Nababaliw ka na ba?"

Nikki: "Siguro nga nababaliw na ako! Baliw na ako sayo Johnson!"

"Wag mo tong gawin sa sarili mo Nikki. Marami pang lalaki dyan. Yung kayang suklian ang pagmamahal mo."

Bigla niya akong sinampal. Sabagay, karapat-dapat naman talaga akong sampalin. Nasaktan ko siya eh. Pinaasa. Na kaya ko rin siyang mahalin. Nag-ayos si Nikki ng kanyang sarili at mabilis na umalis habang umiiyak. Nasaktan ako sa eksenang yun. Hindi dahil sa sampal na natamo ko mula kay Nikki, kung hindi dahil sa mga luhang pumapatak mula sa kanyang mga mata habang tumatakbo sya palabas ng bahay. Nasaktan ako kasi hindi ko kayang suklian ang pagmamahal niya sa akin. Sinubukan ko naman eh. Pero iba pa rin ang tinitibok ng puso ko. Si Anthony. Sigurado na ako. Bahala na kung anong sasabihin ng ibang tao. Bahala na rin kung hindi tatanggapin ni Anthony ang pagmamahal ko. Ang importante, masabi ko sa kanya ang nararamdaman ko.

Anthony's P.O.V.

Ang lambot ng mga labi niya. Nahalata niya kayang nag-enjoy ako? Ang tanga naman kasi nitong si Johnson. Parang wala sa sarili. Natumba tuloy kami pareho. Sana sa susunod, yung hindi kami pawisan. Saka yung walang damit. Chos!

Muntikan na akong bumigay sa mga banat ni Johnson kanina. Pumipick up lines pa eh. Hahaha pero in all fairness kinilig talaga ako. Feeling ko babae ako sa pagkakataong yun. Haaaay sana may feelings din siya para sa akin. Pero hindi eh. Hanggang kaibigan lang siguro talaga ako sa kanya. Pagkatapos maghapunan ay tumungo na ako sa kwarto. Hindi ako mapalagay. Tinext ko si Johnson pero walang reply. Tinatawagan ko rin siya pero wala, hindi siya sumasagot. Nagpasya akong lumabas para magpahangin pero laking gulat ko nang makita ko si Johnson.

"Oy pre anong ginagawa mo dyan sa labas?"

Johnson: "Hinihintay kitang lumabas."

"Sana nagtext ka nalang. O kaya nag-doorbell ka. Adik ka talaga! Paano kung hindi ako lumabas?"

Johnson: "Buti nga lumabas ka eh. Kanina pa kaya ako nilalamok dito." Sabay pout. Kahit nakapout ang gwapo pa rin niya grabe!

"Ano ba kasing ipinunta mo dito?"

Johnson: "ah. Eh. Yung nangyari kanina. Sorry."

"Ano bang tinutukoy mo?"

Johnson: "Yung ano. H-m-m. Yung." Sabay nguso.

"Alin ba? Hahaha yung kiss? Wala yun. Alam ko namang hindi mo sinasadya eh. Pasensya ka na rin pre. Nandiri ka ba? Hahahaha"

Naglakad papalayo si Johnson. Hindi ko alam kung bakit. May nasabi ba akong hindi maganda? Hinabol ko siya habang tinatawag siya sa pangalan nya.

"Huy! Johnson! Joke lang! Huminto ka nga. Nahihirapan na akong humabol."

Napahinto siya sa paglalakad pagkatapos kong sabihin iyon. Naglakad siya ng mabilis papalapit sa akin na para akong sasapakin.

"Sorry na. Sorry. Joke lang naman yun eh. Wag ka nang magalit." Habang sinasabi ko iyon ay nakapikit ako siguro dahil na rin sa takot na suntukin nga ako ni Johnson. Naramdaman ko na lamang na nakatayo na siya sa harapan ko dahil nararamdaman ko ang mainit niyang hininga. Ayaw ko pa ring dumilat dahil baka kamao na niya ang kaharap ko sa pagdilat ko.

"Sorry please. Sorry talaga. Wag ka na maga-" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil biglang may humalik sa mga labi ko. Alam ko si Johnson yun. Kilala ko ang mga labi na iyon. Kahit nakapikit ako ay alam kong kanya iyon. Mainit at malambot. Hindi ko alam kung bakit pero gumanti ako sa mga halik niya. Para akong mauubusan ng hininga habang patuloy pa rin ang paghahalikan namin.

Dumilat ako at tama nga ang hinala ko. Si Johnson nga ang humalik sa mga labi ko. Bumitiw ako sa pagkakalapat ng mga labi namin at tinanong ko siya, "Para saan iyon?"

Johnson: "nandiri ka ba?"

"Hindi."

Johnson: "Ako rin. Hindi."

Hindi ko alam ang sasabihin ko.

Johnson: "Naguguluhan ako Anthony! Hindi ko dapat nararamdaman 'to! Parang hindi ko na kilala ang sarili ko. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko!"

Hindi ko pa rin alam ang sasabihin ko. Ang tanging nararamdaman ko ay awa. Dahil sa mga luhang tumutulo mula sa kanyang mga mata. Kahit ako ay nasasaktan pag nakikita ko siyang umiiyak.

Johnson: "Alam ko mali pero wala na akong pakialam. Mahal kita Anthony!"

Ano daw? Ano ulit yun? Hindi ko alam kung tama ako nang dinig. Mahal daw niya ako? Totoo ba?

"Anong sabi mo?"

Johnson: "Ang sabi ko, mahal kita. Bingi ka ba?"

Hindi ako nakapagsalita. Tama nga yung unang rinig ko. Mahal nga ako ni Johnson. Mahal niya ako! Natulala ako sa mga narinig ko. Hindi ko namalayan na nagsimula nanaman pala siyang maglakad papalayo sa akin. Masyado namang mainipin tong lalaking to! Bawal bang kiligin muna?

"Johnson!"

Hindi siya humihinto. Haaay habol pa more.

"Johnson!"

Wala pa rin. Nabingi na ata ang loko.

"Mahal rin kita Johnson!"

----------------------------

A/N: sorry for the late update guys. Medyo busy lang. Please vote and comment guys!

Being Bisexual Is Not An Excuse [BoyXBoy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon