Part 2

745 11 1
                                    

A/N: The icon represents Anthony.

Ang pula ng labi niya. Ang sarap halikan. Shet! Kanina ko pa sya pinapantasya sa isip ko nang bigla akong tawagin ni Mrs. Arsenio. Prof ko sa Microeconomics. "Mr. De Dios, can you state the law of demand?" Buti nalang paboritong kong subject to. "The law of demand states that as the price of good increases, the quanity demanded decreases, and as the price of good decreases, the quantity demanded increases, ceteris paribus (all other things constant)". "Very Good Mr. De Dios."

4pm na. Sa wakas uwian na! Pero may hinahanap ang isip ko. Ang puso ko. Char! Pauwi na ako pero iniisip ko padin si Johnson. Medyo tanga lang dahil di ko man lang natanong ang schedule ng klase nya. Pero nagbaka sakali padin ako. Habang papauwi, napagdesisyunan kong sa España nanaman sumakay imbes na sa Dapitan. Gusto ko talaga yung naglalakad pa ng malayo e. Sa ngalan ng kalandian! Bumili ako ng meryenda sa Car park (madami kasing bilihan ng food doon) at tumungo agad ako sa Grandstand para kumain. Masarap tumambay sa Grandstand. Mahangin, nakakawala ng stress ang paligid dahil sa luntiang kapaligiran. At higit sa lahat, malapit sa Archi building. Alam nyo naman siguro kung bakit. Ang daming magaganda at gwapong estudyante sa building na yun! Nabusog ako hindi lang dahil sa pagkain na binili ko kundi pati ang mga mata ko dahil sa mga nakita ko. Pero di ko padin nakikita si Johnson. Nalungkot ako. Literal. Para akong nalugi at nawalan na ng pag-asa. Past 6pm na din naman at nagpasya na akong umuwi na. Dahil rush hour, usually additional 30 mins ang byahe ko pauwi nang cavite. So mga 9pm na ko makakauwi. Palabas na ako nang makita ko si Johnson! Pero huminto ata ang puso ko sa pagtibok nang makita kong may kasama siyang babae. Parang sinaksak ng paulit ulit ang puso ko nang mga oras na yun. "Straight nga ata talaga si Johnson" sabi ko sa sarili ko.

Pasado alas nueve na nang makauwi ako sa bahay. Diretso agad sa kwarto. Wala akong ganang kumain. Hindi ko alam kung bakit. Ah oo nga pala. Nadurog lang naman ang puso ko sa nakita ko kanina. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako nang hindi man lang nakapagbihis ng pambahay.

Kinabukasan, wala akong ganang pumasok. Nagising ako around 8am pero tinamad nanaman akong kumilos. 12pm pa naman ang pasok ko. Nagtext kasi yung class president namin at sabi nya suspended daw lahat ng klase before 12pm gawa ng meeting ng mga prof. Mag aalas diyes na ng umaga ng makaalis ako sa bahay. Sakto lang to pagdating ko sa school. Di nga ako nagkamali. 11:30am eh nasa school na ako. Madalang ang traffic pag tanghali siguro dahil lunch time at sobrang init kaya walang bumabyahe ng ganung oras.

Pagdating ko sa classroom, andun na ang mga kaibigan ko. Si Jonathan, na sobrang bait. Siya yung tipo ng tao na kokontrahin ka sa lahat ng kapilyuhan na binabalak mo. Nandun din si Edward. Siya yung crush ko. Yaaaay! 6 footer si Edward. Lakas maka-F4 ng buhok. Para syang si Vic Zhou. Silang dalawa ang naging close ko agad dahil mababait naman sila. "Hoy. Bakit ang aga nyong dalawa? Wag niyong sabihing suspended nanaman ang klase?" Pagbibiro ko. Kadalasan kasi kapag maaga si Edward o kaya ay si Jonathan, talagang suspended bigla ang klase o kaya ay absent ang prof sa first subject. Hahaha grabe no? Parang may balat lang sila sa pwet pareho. Minsan nga titignan ko. Chos!

"Siraulo! Hinatid kasi ako ni mama kaya maaga ako. Hehe" - Edward

"Ah kaya pala. Akala ko magugunaw na ang mundo e. Haha" pangangantyaw ko ulit.

"Ikaw pre bakit ang aga mo ata?" Tanong ko kay Jonathan.

"Sabay kasi kami ni Tin. Nagkita kami kanina at kumain muna bago pumasok."

Oo nga pala. Si Tin. Siya yung nililigawan ni Jonathan. Andito na din pala sya sa loob ng classroom pero di ko napansin. Eto kasing dalawang kumag na to ang napansin ko agad. "Hello Tin. Good morning!" Bati ko kay Tin. "Hello din Tonton! Buti naman di ka late." Aba maldita. Haha parang may meaning yung statement nya ah. Pero di ko nalang pinansin. Mabait naman talaga si Tin in nature. Wrong choice of words lang siguro.

Nagsimula na ang klase pagkadating ni Mr. Montemayor. English professor siya. Ang bilis ng oras hindi ko na namalayan na uwian na naman. Ganito ang naging buhay ko buong semester. Bahay - school - bahay - school. Boring no? Actually, paminsan-minsan naman ay lumalabas din ako. Kasama sila Jonathan at Edward.

Patapos na ang semester. Makakapagpahinga na din sa wakas! Medyo naging busy ang 1st sem ko sa college. Siguro marahil ay nagaadjust pa ako sa environment. Last day na ng 1st sem. Naisip naming tumambay sa Grandstand. Kasi nga, ano? uulitin ko nanaman kung bakit? Okay sige. Kasi nga masarap tumambay sa Grandstand. Mahangin, masarap sa mata yung field na luntian ang kulay, at dahil maraming magaganda sa Archi Building. Yes! Tama kayo nang basa. Parang nacoconfuse po ang bida nyo. Magagandang babae nalang ang nakikita ng mga mata ko. Parang nawalan ako ng interes bigla sa mga lalaki pagkatapos kong makita nung gabing yun si Johnson na may kasamang babae, not to mention, bitbit pala nya yung bag nung girl that time, which made me concluded na girlfriend nya yung babaeng yun. Speaking of Johnson, kamusta na kaya siya?

Abangan....

---------------------------------

A/N: thank you for reading guys! Please vote vote vote and comment.

Nasan na kaya si Johnson?

Being Bisexual Is Not An Excuse [BoyXBoy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon