Part 5 - Heartbreak

429 5 1
                                    


Anthony's P.O.V.

Napangiti ako habang nakatingin kay Jonathan at Edward na nag-aasaran. Ang saya talaga pag kasama mo ang mga kaibigan mo. Yung mga totoo mong kaibigan. Yung mga kaibigan mong hindi ka iiwan sa oras ng kagipitan. Sabi nila, the more, the merrier. Pero sa pakikipagkaibigan, hindi importante kung isa o marami ang kaibigan mo. Basta totoo sila sayo.

"Huy pre! Kanina ka pa tahimik. Pagtanggol mo nga ako dito sa mokong na to!" Ani Jonathan.

"Kaya niyo na yan! Basta pag nagkapikunan kayong dalawa, labas ako dyan ah. Hahaha" tugon ko.

Naglibot ng tingin ang aking mga mata nang sa di kalayuan ay may nakapukaw ng aking atensyon. Hindi ako maaring magkamali. Si Johnson! Kahit na halos limang buwan na nang huli ko siyang makita ay di pwedeng magkamali ang aking mga mata. Bigla akong kinabahan! Hindi ako mapakali. "Lalapitan ko ba siya o hindi? Naaalala pa kaya niya ako?" Tanong ko sa sarili ko. Gulung-gulo ako. Kalahating oras ko din siyang tinitignan habang nakahiga siya sa damuhan. "Lalapit ba ako? Ah bahala na si batman!" Sabi ko sa sarili ko. Nagpaalam ako kila Edward at Jonathan na may kakausapin lang ako. Di naman na sila nagusisa pa. Tuloy pa rin ang dalawa sa yabangan at asaran. Nagsimula akong maglakad papunta sa direksyon kung saan nakahiga si Johnson. Nanumbalik ang mga alaala noong nakasama ko siyang pumasok isang umaga. Sana makilala pa niya ako. Sana di siya mailang sa akin. Sana gusto din niya ako. Chos!

Malapit na ako sakanya. Ilang hakbang nalang ay abot-kamay ko na ang aking pangarap. Ngunit bigla akong natigilan sa aking nakita. Isang babae ang humalik sa kanyang mga labi. Parang nabasag ang puso ko. Gusto kong sumigaw. Gusto kong umiyak. Napaatras ako. Literal. Nakayuko akong naglakad papalayo. Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko. Tuloy pa rin ako sa paglalakad. Binilisan ko. Pero parang hindi ko na maramdaman ang paa ko. Malapit na ako sa kinauupuan nila Jonathan at Edward nang may humawak sa mga braso ko.

Nikki's P.O.V.

Bakasyon na din sa wakas pero hindi ko pa rin nakukuha ang matagal ko ng gusto. Si Johnson. Kung kinakailangang palay ang lumapit sa manok, gagawin ko. Hindi ko hahayaang matapos ang araw na ito nang hindi ko nasasabi kay Johnson na mahal ko siya. Lumabas ako ng building para hanapin si Johnson. Hindi naman ako nahirapang hanapin siya. Tama ang hinala. Naroon nanaman siya sa field. Hilig niya talagang tumambay doon. Nadatnan ko siyang nakahiga sa damuhan, tila natutulog. Nilapitan ko siya at tinawag. "Johnson?" Mga tatlong beses ko atang sinambit ang pangalan niya bago siya naalimpungatan. Napakaamo ng kanyang mukha. Mapupula ang kanyang mga labi. Sobrang gwapo talaga nitong lalaking ito. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Kinakausap niya ako pero hindi ko na naiintindihan ang mga salitang lumalabas sa kanyang bibig. Nakatulala lamang ako sa kanyang mga labi. Unti-unti akong lumapit sakanya at siya ay aking hinalikan. Oo. Ako ang unang humalik. Malandi na kung malandi. Pero wala naman sigurong masamang magmahal hindi ba? Hindi pa man nagtatagal ang pagkakalapat ng mga labi namin ay kumalas siya. Nagulat ako! Hindi ba niya nagustuhan? "Bakit mo ginawa iyon Nikki?" Ang kanyang nasambit.

Johnson's P.O.V.

Naalimpungatan ako sa pagkakaidlip nang may tumawag sa aking pangalan. Si Nikki pala. "Uy Nikki! Ikaw pala yan. Kamusta?" Ang bati ko sakanya. Pero tila di niya ko narinig. "Huy! Nikki? Okay ka lang ba?" Pero hindi pa rin siya sumagot. Nakatitig lang siya sa akin. "May dumi ba ako sa mukha?" Wala pa rin siyang itinugon. Nagulat ako sa sumunod niyang ginawa. Hinalikan niya ako sa labi! Kumalas ako sa halik na iyon. Hindi ko alam kung bakit. Siguro nagulat lamang ako. Sino ba namang lalaki ang aayaw kapag babae na ang humalik sa iyo di ba? "Bakit mo ginawa iyon Nikki?" Ang tanong ko sa kanya. "Kasi mahal kita Johnson! Manhid ka ba?' Ang tugon naman niya. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa mga sinabi niya. Totoo nga kayang mahal ako ng babaeng nasa harapan ko? Gulong-gulo ako. Tumayo ako, "Sorry Nikki." At naglakad palayo.

Magulo pa rin ang isip ko. Hindi ko alam. Pero si Anthony ang laman ng isip ko habang hinahalikan ako ni Nikki. Sa paglalakad ko ay may natanaw akong lalaki na tila pamilyar ang hitsura. Hindi ako maaaring magkamali. Si Anthony ang lalaking iyon! Para akong bata na nagagalak sa isang kendi. Ganoon ang pakiramdam ko noong nasilayan ko si Anthony. Agad ko siyang hinabol habang tinatawag siya sa kanyang pangalan. Isang beses, dalawa, tatlong ulit. Ngunit parang hindi niya ako naririnig. "Anthony?" Sabay hawak ko sa mga braso niya.

Being Bisexual Is Not An Excuse [BoyXBoy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon