Part 3 - Si Johnson

625 7 1
                                    

A/N: icon represents Johnson.

Johnson's P.O.V.

Nagpaalam na ako kay mama nung mapansin kong 9am na pala. Maaga kasi talaga akong umaalis ng bahay para di ako nagmamadali. "Bye ma!" Sabay halik sa pisngi ng aking ina. Nagsimula na akong maglakad palabas ng village. Malapit lang naman ang bahay namin from highway, nasa bukana lang. Nagabang ako ng bus pa-Lawton. Pinara ko yung unang bus na dumaan. Swerte ko naman at hindi pa tayuan sa loob. Agad akong naghanap ng bakanteng upuan. Nang makita ko ang isang Commerce student mula sa aming paaralan, ay napatigil ako. Parang may kung anong nag-utos sakin na dun sa tabi niya umupo. I must admit. Gwapo sya. Moreno, makakapal ang kilay, matangos ang ilong. Hawig niya si Coco Martin sa totoo lang. Kinilig ako pero alam kong hindi dapat. Lalaki ako. Bakit ako nagagwapuhan sakanya? Bakla na ba ako? No!

Habang katabi ko siya ay hindi ko maiwasang magnakaw ng tingin sakanya. Buti nalang at sa labas ng bintana siya palaging nakatingin. Gusto ko siyang kausapin para malaman ko ang pangalan niya. Pero ayoko namang matakot siya sakin. Baka isipin niya masama akong tao. Haha ang weird ko magisip no? Binaling ko nalang ang atensyon ko sa cellphone ko. Wala e. Napangunahan ako ng kaba. At hiya. Kasi awkward e. Lalaki ako. Lalaki din siya. Ah basta! Nasa ganung pagtatalo ang aking kaisipan ng may narinig akong nagsalita, "Hey. Archi ka right? Sa ust?" Nagulat ako! Natulala. Sa gwapong lalaki na katabi ko nanggaling ang tinig na narinig ko. Parang anghel sa ganda ang boses nya. Sumagot ako sa tanong niya para na rin wag niyang isipin na snob ako, "Yes. Hmm. Ikaw? Commerce ka tama ba?" At tama nga ang hinala ko. Commerce student siya sa parehong paaralan na aking pinapasukan.

"Anthony nga pala pare." Pakilala niya sa akin.

"Johnson pare." Kinamayan ko siya bilang tanda na nagagalak akong makilala siya. Sa totoo lang, hindi lang ako nagagalak. Hindi ko ma-explain yung pakiramdam pero parang sobrang saya ko nang mahawakan ko ang kamay niya. Sobrang lambot at kinis ng palad niya. Akala mo'y kamay ng babae. "Siguro wala tong ginagawang gawaing bahay" nasabi ko sa sarili ko.

Nagkwentuhan lang kami buong byahe hanggang sa makarating sa school. Malapit nang mag 11am kaya nagmadali na kaming maglakad. Sa totoo lang, parang ayoko nang pumasok buong araw at makipagkwentuhan na lamang sa kanya buong maghapon. Pero naisip ko baka madami din siyang gagawin. Papasok na ako sa Archi Building pero nakatingin pa din siya. Kinilig ako! Feeling ko ayaw niya akong pumasok at gusto din nya akong makasama pa. Pero di ko nalang pinansin. Naisip ko na magkikita pa naman kami ulit kaya nagpaalam na ako sakanya. "Ingat pre!" Na may kasamang kaway.

Being Bisexual Is Not An Excuse [BoyXBoy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon