Part 6 - Muling Pagkikita

475 7 13
                                    

A/N: This update is dedicated to kylejeric

Anthony's P.O.V.

Malapit na ako sa kinauupuan nila Jonathan at Edward nang may humawak sa mga braso ko. Nilingon ko siya at nagulat ako. Si Johnson! Siya ang humawak sa mga braso ko pero bakit?

"Anthony? Ikaw nga! Sabi na nga ba at hindi ako maaring magkamali. Akala ko ay namamalik-mata lamang ako." Ang sabi ni Johnson.

"J-j-johnson?" Ang nauutal kong tugon sa kanya.

"Oo ako nga ito. Kamusta? Salamat naman at nakita na kita ulit!" Sabay yakap niya sa akin. Nabigla ako sa mga nangyayari. Kinilig ako aaminin ko. Pero ayokong bigyan ng ibang kahulugan ang yakap na iyon.

"A-ayos naman ako. Heto, nakasurvive naman sa 1st sem awa ng Diyos." Napapasinghap ako habang kausap ko siya. Sana hindi niya mapansin.

"Anong nangyari sayo? Okay ka lang ba? Bakit parang umiiyak ka?"

"Ahh wala ito. Napuwing lang ako." Pagsisinungaling ko. Pero sa totoo lang ay hindi ko talaga napigilang masaktan sa nakita ko kanina, noong makipaghalikan siya sa girlfriend niya. Ang sakit sakit.

"Pauwi ka na ba? Gusto mo sabay na tayong umuwi?" -Johnson

Napaisip ako. Paano ang girlfriend nya? At bakit niya ako niyayayang umuwing kasabay niya?

"Huy! Narinig mo ba ako? Sabay na tayong umuwi?"

"Sige. Pero hindi ba nakakahiya sa inyo ng girlfriend mo? Baka may lakad pa kayo?" Tanong ko sa kanya. Oo nagseselos ako. Kung maririnig nyo lamang kung paano ko itinanong yan. Parang ako yung girlfriend na nagdedemand ng atensyon mula sa boyfriend ko.

"Girlfriend? Wala akong girlfriend. Sino naman ang nagsabi sa iyo na may girlfriend ako?" Tugon niya.

Para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan. Parang gusto kong magtatalon sa kinatatayuan ko ngayon! Pero napaisip ako bigla. Ginagago ata ako nito e. Wala namang dahilan para ilihim niya sakin ang tungkol sa babaeng iyon. Pero sa isang banda, bakit naman niya idedeny yung girlfriend niya. Eh ang swerte niya kaya. Maganda ang girlfriend niya. Matangkad, maputi, mahaba ang buhok. Parang beauty queen.

"Talaga? Imposible. Sa gwapo mong yan ay ikaw pa ang mawalan." Palusot ko.

"Wala nga akong girlfriend. Ang kulit. Saka wag mo na akong binobola. Ililibre naman kita ng pamasahe kahit wag mo na akong bolahin. Haha" sagot niya habang nakangisi. Shet! Ang gwapo talaga ni Johnson. Para akong natutunaw na yelo kapag ngumingiti siya ng ganito.

"Hindi kita binobola. Haha gwapo ka naman talaga. Pero mas gwapo pa rin ako sayo. Haha" pagbibiro ko sakanya pero sa totoo lang parang mas gwapo naman talaga siya sa akin.

"Oo na mas gwapo ka naman talaga. Mr. Coco Martin." Sabay kindat. Namula ako sa mga sinabi niya. Lalong lalo na sa kindat na iyon. Sana hindi niya napansin. "So ano? Uuwi ba tayo o magkukwentuhan nalang? Hehe"

"Tara! Sandali at kukunin ko lang ang mga gamit ko." Nagtungo ako sa kinauupuan nila Edward at Jonathan at nagpaalam na uuwi na. Hindi na rin ako nagpaawat dahil aaminin ko, mas gusto kong makasama si Johnson pauwi ngayon. "Sorry mga pre. May emergency lang." Bumalik ako kay Johnson at sabay na kaming naglakad palabas ng school.

Nagkwentuhan lang kami habang nasa byahe. Napag-alaman ko na miyembro pala si Johnson ng Architecture Basketball team. Mas lalo ata akong nainlove sakanya. Humahanga kasi talaga ako sa mga lalaking magaling magbasketball. Siguro dahil hindi ako marunong maglaro. "Tuturuan kitang magbasketball this sem break gusto mo ba?" Syempre ay pumayag naman agad ako! Isang dahilan na rin na gusto ko siyang makasama / makadate ngayong sem break, pero gusto ko rin talagang matutong magbasketball.

Pagdating ko sa bahay ay sinalubong ako ng aking ina. "Mommy nandito na po ako!" Sabay halik sa pisngi.

"Aba! Mukhang masaya ata ang anak ko ah? Kumain kana ba? Halika't kumain kana ng hapunan." Kahit si mommy napansin din ang sigla sa aking mga mata. Nagbihis muna ako bago kumain. Tinext ko na rin si Johnson na nakauwi na ako. Oo. Finally. Nakuha ko na ang number niya. Pero siya ang unang kumuha ng number ko ha. Muntik ko nanaman makalimutan. Buti na lamang at kinuha nya ang number ko bago siya bumaba ng bus.

Habang nakahiga sa kama ay si Johnson pa rin ang laman ng isip ko. Sobrang sarap sa pakiramdam na nakasama ko siya ulit, nakausap. Nasa ganoong pagiisip ako nang di ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Ilang araw din ang lumipas nang magsimula ang sem break. Araw-araw kaming magkatext ni Johnson simula noon at kung minsan ay tumatawag pa siya. Ang sarap sa tenga ng kanyang tinig. Para akong nasa alapaap. Niyaya niya akong magbasketball sa darating na biyernes. Pumayag naman ako agad. Hindi ako kaladkarin ha. Gusto ko lang talagang matutong magbasketball. Wag kayong ano. Excited na ako! Sa wakas ay makikita ko ulit siya.

Johnson's. P.O.V.

Napakasaya ko noong pumayag siyang sumabay sa akin pauwi. Alam niyo yung pakiramdam na wala kang ibang nakikita o naririnig kundi siya lang? Ganoon ang pakiramdam ko nang mga oras na 'yon. Ang sarap niyang kausap, kasama, hindi nakakasawa. Habang nasa byahe kami pauwi ay hindi ko maiwasang tumitig sa mukha niya habang nagkukwento. Sana akin ka. Akin ka nalang. Hindi ako makabwelo ngunit gusto ko siyang tanungin kung may girlfriend na ba siya. Parang gusto kong malaman ang sagot pero gusto kong sabihin niya na wala siyang girlfriend. Hanggang sa hindi ko na naitanong sa kanya ang tungkol doon dahil bababa na pala ako. Kinuha ko ang number niya at binigay ko din ang sa akin. Yes! Naka the moves na din ako kahit konti. Nahawakan ko ang kamay niya noong hiniram ko ang cellphone niya para i-save ang number ko.

Nakauwi na ako sa bahay pero hindi pa rin nagtetext si Anthony. Haaay. Ano nga ba naman ang ieexpect ko. Malamang, lalaki iyon. At hindi naman niya ako boyfriend para i-update palagi. Nagpasya akong mauna nang magtext sakanya. Hindi naman siguro masama dahil magkaibigan naman kami. Isesend ko palang ang message ko nang biglang tumunog ang cellphone ko. Si Anthony! Nakauwi na daw siya sa kanila. Napangiti ako habang binabasa ang unang message niya sakin. Mukha akong tanga. Mga limang minuto din akong kinilig sa text na "nandito na ako sa bahay pre". Naguguluhan ako. Dati-rati ay sa babae lang ako kinikilig pero bakit iba ang nararamdaman ko kapag kausap ko siya? Bakla na ata talaga ako. Hay bahala na! Basta masaya ako sa kung ano man ang meron kami ni Anthony sa ngayon.

Nagsimula kaming magpalitan ng text messages pagkatapos ko siyang replyan ng "Good. Magdinner kana bro. Katapos ko lang kumain". Araw-araw na kaming magkatext ni Anthony. Para na nga kaming magboyfriend eh. Kada kibot, text, kada galaw, text. Paminsan-minsan ay tinatawagan ko din siya. Ang sarap kasi ng boses niya sa tenga e. Hindi nakakasawang pakinggan. Gusto ko siyang yayain lumabas (oo na. Mag-date. If that's the more appropriate term for that) pero nahihiya ako. Paano kung makahalata siya. Ke lalaki kong tao tapos lalaki din yayayain kong lumabas. At my age, I'm supposed to be dating girls. Hindi yung puro barkada parin. Hanggang sa naalala ko yung napagusapan namin habang nasa byahe kami pauwi. Hindi nga pala siya marunong magbasketball. Yes! Nakaisip ako ng palusot. Niyaya ko siyang magbasketball para maturuan ko na din siya. Kailangang mag-the moves ni Johnson Espiritu. Hindi naman sa pagmamayabang pero magaling akong maglaro ng basketball. Kahit 1st year palang ako ay napasama na agad ako sa Architecture Basketball Team. Varsity din kasi ako noong Highschool kaya siguro ako gumaling sa paglalaro. Excited na akong makita si Anthony! I mean, mag-basketball.

Being Bisexual Is Not An Excuse [BoyXBoy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon