Teaser

632 19 0
                                    

After 10 years...

"Aaaaaaargh! Breeent!!"

Isang napakalakas na sigaw ang bumulabog sa mansyon ng mga Garcia. Nagkakaroon na sila ngayon ng baby shower para sa magiging anak nila brent at yumiko kaya halos lahat ng bisita ay nasa sala.

"What was that?" Takang tanong ni shyraine sa mga kasama. Mukhang hindi pa ata nila alam kung saan galing iyong sigaw -_-

"Mukhang galing sa taas. Brent pare nasa taas ba si Yumiko-"

"Lamoooook!!!!"

O__O

Lahat nagkatinginan. Pilit pinoproseso ang narinig. Hanggang sa...

"O shit ang asawa ko!"

Dali-daling umakyat si brent sa second floor at agad na pumasok sa isang kwarto kung saan niya pinagpahinga si Yumiko.

Doon ay naabutan niya si Yumi na sumisigaw na sa sakit habang hawak ang tiyan.

"Arrrg! Hayup kang lamok ka! Bakit ngayon ka lang nagpakita samantalang-- aaarg! Huu manganganak na ata ako!! Brent!!"

Natatarantang pinaypayan niya ito at umupo sa gilid, waring hindi alam kung ano ang dapat na gawin.

"okay yumi relax. Inhale exhale baby. Inhale exhale."

Nagsidatingan naman iyong mga kasama niya at saka na nila inalalayan si Yumiko.

"Mark ihanda mo na iyong kotse and Zumi, paki tawagan si Tito Ryu." Ani brent sa mga kaibigan bago bumaling sa asawa.

"Don't worry baby malapit na tayo sa ospital. Inhale exhale okay? Don't forget to breath. " aniya sa asawa.

"Hindi nakakalimutan ang paghinga brent! Aarrrg!" Sigaw sa kanya ni yumiko. Natawa naman ito at mahigpit na hinawakan iyong kamay ng asawa hanggang sa sila ay makarating na sa ospital.

Mabilis na inasikaso si Yumiko ng mga doctor.

"Sir, kung gusto niyo po ay pwede po kayong pumasok sa loob." Saad ng nurse sa kanya nang makita siyang nasa tapat lang ng pintuan nakatayo.

Biglang nagliwanag ang kanyang mukha at agad na tumango sabay pasok sa loob. Pinasuot muna siya ng damit pag ospital bago pinatuloy at nang makapasok na siya ng tuluyan, doon nakita niya si Yumiko. Ang babaeng pinakasalanan niya na ngayon ay umiiri upang mailabas ang isang anghel na babae.

Mabilis na nilapitan niya ang asawa at hinawakan ng mahigpit ang kamay nito sabay labas ng camera.

"Breeent! Wag mo videohan!! Aaargg!" Habang umiiri ay nagawa niya paring punahin si brent na ngayon ay amaze na amaze sa kanyang nasasaksihan.

"Hindi ko hahayaang malagpasan itong napakagandang moment sa tanang buhay ko baby. " aniyang nakangiti sabay halik sa noo ni Yumiko.

Isang iri at nakarinig na sila ng isang iyak. Iyak na nagmula sa kanilang munting anghel.

"She's here... Finally." Saad ni yumiko habang naluluhang tinignan ang kanilang anak na nililinisan ng mga doctor.

Brent was speechless. He is now a dad. An officially dad. Hindi niya alam kung ano ang gagawin habang tinitignan niya ang kanyang munting anghel na ngayon ay hawak na ng mga nurse at nakaharap na sa kanya.

"Sir, ililipat lang po namin sa ibang kwarto si Mrs. Garcia at ang baby so you can continue your happy moments together as a family there."

Ngumiti si Brent at inakay na palabas si yumiko. Hindi niya parin maalis ang kanyang tingin sa anghel na karga karga ng nurse.

"Sir." Inabot ng nurse sa kanya ang anghel. Noong una ay nagaalangan pa siyang ikarga ang bata dahil sa siya ay kinakabahan. Pero kalaunan ay nakarga niya rin ang batang anghel.

And at that moment, napakasaya niya. Para siyang nanalo ng doble doble dahil sa natanggap niyang biyaya mula sa Maykapal.

"Sir, ano po ang ipapangalan niyo kay baby girl?" Tanong ng nurse habang naglilista sa isang papel.

Napalingon siya kay yumiko na mahimbing na natutulog. Napatawa siya ng kunti nang maalala iyong mga araw na pinagtatalunan nila ang magiging pangalan ng anak nila.

At gaya ng dati, yumiko always win.

Pinunasan niya iyong luha sa mata niya at hinalikan ang noo ng anak niya.

"Miyuri.... Miyuri Ri Garcia."

And that's how it all started.

------------------
AN: Please follow me on my twitter account: @JaBntlnao let's catch up there, Assassins!

Lady Of MadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon