Madness 4

123 6 0
                                    


Mabilis ang hakbang ko nang makarating na ako sa bahay namin. Nang ipark ko ang aking sasakyan ay dali-dali na agad ako patungo sa pinto. Abot-abot din ang hininga ko dahil sa hindi maipaliwanag na dahilan.

Napahinto ako sa tapat ng pinto nang makita na naman ang isang kumpol ng black roses at isang card. Napakunot noo ako.

Bigla namang bumukas ang pinto at nagkatitigan kami ni mommy. Gulat ang ekspresyon niya ng mapayuko at makita ang nakalatag na black roses at ang isang card.

"n-naku naman! May naglagay na naman ng kalat sa labas ng pinto natin anak." Aniya at kukunin na sana ang mga iyin nang unahan ko siya.

"Anak! Akin na at itatapon ko."

Ngunit hindi ko iyon binigay sa kanya bagkus ay binuksan ko ang card at binasa iyon.

" Anata no himitsu wa sugu akiraka ni narimasu, soshite anata wa sore o kaukai shimasu. Yumiko Rin....?" napatingin ako kay mommy na ngayon ay mataman ding nakatingin sa akin. What's the meaning of this?!

"Anak..."

"Mom..? Ano ito? Bakit ganito?" Tanong ko sa kanya. Mabilis naman siyang umiling at babawiin na sana ang sulat nang ilayo ko iyon sa kanya.

"Anak!" Sigaw niya sa akin. Ngayon ay ako na naman ang umiling. Nangingilid narin ang aking mga luha ko.

"Mommy can you please stop lying to me? A-anong ibig sabihin ng lahat ng ito? These black roses, this fcking card and those bullshit rumor! What's the meaning of all of these?!" Hindi ko na napigilan ang aking mga luha. Si mommy naman ay napakunot ang noo sa sinabi ko. Why? Huwag niyang sabihing wala siyang alam sa tsismis na iyon?

"What rumor Miyuri? A-anong kumakalat na tsismis?-"

"Oh mom as if you care-" She cut me.

"I care because I am your mother Miyuri! Hindi pa ba sapat iyon ha, anak?!" Napatingin ako sa kanya. Puno narin ng nga luha ang mga mata niya. And now i feel guilty. Pero masisisi niyo ba ako?

"This rumor said that....that you're an assassin mommy. That you and dad is a killer! At..at ayoko silang paniwalaan mommy..a-ayoko." Napahagulgol ako at mabilis naman akong niyakap ni mommy. Dad came and he was shocked nang maabutan niya kami ni mommy na ganoon sa pinto.

"Anong nangyari?" Tanong ni dad at iginaya kami papasok sa loob ng sala. Umupo ako sa sofa at tinitigan si daddy.

"Anong nangyari anak?" He asked me. Umiwas ako ng tingin at itinapon sa kanya ang sulat na nabasa ko kanina. Nanatili king tahimik ni mommy hanggang sa matapos niya iyong basahin.

"This is just some prank-" i cut him

"No daddy. That isn't a prank. Hindi ako lumaki sa japan but i can read kanji dad. And i can understand what have had written in that paper." Matalim parin ang tingin ko kay mommg na ngayon ay umiiyak narin. Si daddy naman ay napapailing at lalapitan sana ako ngunit tinaas ko ang palad ko at pinahinto siya .

"No daddy. It's okay. I'm fine. Ang hindi ko lang matanggap ag ang malamang mamamatay tao ang pamilya ko-"

"Miyuri! We are still your parents!" Singhal ni daddy sa akin. Mabilis ko siyang nilingon at umiling.

"Ayun na nga eh! We are family here! You two are my parents but why did you two hide a secret to me?! kailan niyo balak sabihin sa akin lahat ng ito? Kapag may napatay na naman kayo-"

*pak!

Mabilis ang pangyayari. My mom slapped me. She just slapped me!

"Hindi mo alam kung ano ang pinagdaanan namin ng daddy mo para lang maging ligtas ang buhay mo Miyuri! Hindi mo alam kung gaano kalaki ng responsibilidad ang tinalikuran ko para lang magkaroon ka ng normal na buhay! T-tapos... tapos ganito ang isusukli mo sa amin? Ang kasuklaman kami ng daddy mo?!" Napatitig lang ako kay mommy. Halos hindi na ako makahinga ng maayos dahil sa patuloy na pag-agos ng mga luha ko. My mom is crying so hard! Si daddy ay mabilis siyang pinakalma at tumitig sa akin. I saw pain in his eyea habang umiiling ito.

Lady Of MadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon