Madness 12

28 1 0
                                    

Weeks have passed since the incident in Floralisca club happened. Ilang linggo na ring hindi nagpapakita si Robin sa klase. Mas lalo lamang ako nag-aalala sa kaniya dahil doon. Napatingin ako sa upuan niyang hanggang ngayon ay bakante parin. Maraming nagsasabing nasa maayos na kondisyon naman daw siya at binigyan  lamang ng pahinga ng doctor, ngunit mayroon namang nagsasabing critical ang lagay niya kaya hindi na makakapasok. Huminga ako ng malalim at sinapo na lamang ng mga palad ang mukha. It's all my fault.

"M-miyuri.."

Someone called me and it's Allyza. She smiled at me sabay abot ng isang yogurt sa akin. Napa-ayos ako ng upo.

"You looks tired so maybe this will hell to boost your energy." Aniya. Ngumiti ako saka tinanggap na iyong yogurt.

"Thanks for this." Tipid na saad ko at agad na ininom iyon. Napansin kong nanatili parin si Allyza sa tabi ko kaya nilingon ko nalang siya ulit.

After that incident, ngayon nalang ulit niya ako pinansin. Kumalat kasi ang chismis na ako daw ang dahilan kung bakit binomba ang club na iyon. Hindi ko sila masisisi kung bakit pagkatapos noon ay iwas na iwas sila sa akin. Kahit ako, sinisisi ko din ang sarili ko.

"Uhm.. I'm sorry for not talking to you these past few days, Miyuri." She whispered. Hindi rin siya makatingin sa akin ng diretso. Tumango ako at umayos muli ng upo. Nagpatuloy naman siya.

"Sinasabi kasi nila na ikaw ang dahilan kung bakit binomba ang C-club. P-pero hindi ako kaagad naniwala doon! Umiwas lamang ako k-kasi ako iyong nag-imbita sa'yo sa gig na'yon kaya k-kasalanan ko din siguro-"

"Do you really think I'm the reason why they put bombs on the club, Allyza? " I asked her that made her stop. Agad na umiling siya doon. I sighed.

"T-that's not what i mean, Miyuri! Sorry talaga! Sorry kung umiwas ako at nagpaniwala sa rumor na iyon."

Muli ko siyang nginitian. Somehow i want to convince myself that the bombing incident on that club has nothing to do with me, but i can't.

"I understand." Sabi ko na lamang sa kanya at muling tinuon ang atensyon sa notebook sa aking harapan. Magsasalita pa sana siya nang pumasok ang grupo ni Bella sa loob. Nagkatitigan kami at ang ngisi sa mukha niya ay nagsasabi na panalo siya sa eksenang ito. Hindi ko na lamang iyon pinansin.

Hindi naman din siya nagsalita pa hanggang sa dumating na ang guro kaya naging mas madali nalang sa akin ang lahat. Nang matapos ang klase ay dahan-dahan kong inayos na ang aking nga gamit upang makaalis. Nabigla ako nang may nilapag na article ang kung sino sa mesa ko. It's an article about that incident. Talagang hanggang ngayon hindi niya parin ako tinatantanan.

"See that? Almost 20 victims are in critical condition because of that incident, Miyuri. Lahat ng iyon dahil sa'yo."

Tinitigan ko siya. Kinunutan ko siya ng noo kahit pa ayaw ko sanang kausapin siya sa araw na ito. Kaya lang ay masyado na naman siyang bida-bida.

"Hanggang ngayon ba, ako parin ang sinisisi mo, Bella Antionne?" I asked her kahit na obvious naman na "oo" ang sagot doon. She smirked.

"At sino pa ba ang pwedeng sisihin? Malay ba namin na ang isa sa mga kaaway ng pamilya ninyo ang nagtanim ng bomba doon upang maghiganti, lalo pa't nandoon ka?"

Nanatili akong nakatitig sa itsura niya at pinakinggang ang kahibangan niya.  May part na maaaring tama siya, ngunit ang isisi sa akin ang lahat, hindi naman ata tama iyon. Lalo pa't hindi ko ginusto ito.

"Why don't you say something now, Miyuri? Afraid that it may triggered you and make you confess your true colors-"

"I'm not afraid of showing my real colors, Bella. If that's what you want to think, then go on. I'm done explaining my side ever since that incident happened. At kung hindi mo parin naiintindihan na wala akong kinalaman doon...baka ikaw na itong may problema."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 18, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Lady Of MadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon