Madness 3

166 9 0
                                        


"Miyuri anak, sigurado ka bang hindi ka na kakain ng breakfast mo?"

Nilingon ko si mama at nginitian.

"I'm okay mom. Baka kasi pag kumain pa ako ay malate na ao ng tuluyan." Mabilis kong sinuit ang aking sapatos at nang matapos iyon ay inilang hakbang ko ang pagitan namin ni mommy.

"I need to go mom." Sabi ko at hinalikan na ang kanyang pisnge. Nagtungo naman ako sa sala at nilapitan si daddy na nagkakape.

"Dad, aalis na po ako. Bye." I kissed his cheek bago nagtungo sa pinto. Bubuksan ko na sana ng biglang magsalita si mommy.

"Miyuri wait! Naiwan mo ang lunch mo!" Aniya at inilahad sa akin iyong lunchbox ko. Ngumiti ako kay mama sabay kuha nung lunchbox ko at niyakap siya.

"You're a life saver mom! Need to go! Love you!"

Mabilis na pinglaruan ko ang aking susi nang marating ko na ang aking kotse. bago ko iyon buksan ay bumaling muna ko sa kanila. Dad is hugging my mom and I am really glad to see them like that. Mabilis ko silang kinawayan at saka na nagtungo sa kotse.

I start the engine and drove the way to school. Napahinga ako ng malalim nang marating ko ang paaralan nang hindi pa nali-late.

"I'm just in time. Woah." I said as i went on our classroom. Doon ay naabutan ko ang aking mga kaklase na busy sa kanilang mga pinaggagawa. Nagkibit balikat ako bago nagtungo sa upuan.

"Hi Miyuri." Bati sa akin ng isang lalakeng hindi ko natatandaan ang pangalan. I don't want to be rude so nginitian ko siya and i say hello to him. Naghiyawan naman iyong mga kasama niya at nakita ko pang nag-apir sila nung kaibigan niya. Hindi ko nalang iyon pinansin at umupo na sa aking upuan. Napunta agad ang aking atensyon kay Bella na ang sama parin bg tingin sa akin.

Tss. Kelan ba titigil itong babaeng ito? Nakakairita na ha. And then my sight to bella went blocked by a guy who is now standing in front of me. Napatingala ako sa kanya at tinaasan siya ng kilay. Siya naman ay nakangiting nakatitig sa akin.

"Hi." Aniya at inilahad ang kamay sa akin. Tinitigan ko lang ito. "I am Robin Doloja. The one who is chatting you yesterday Miss daughter of an assassin princess."

Doon na niya naagaw ang aking pansin. Padabog akong tumayo na siyang napatahimik sa aking nga kaklase at nalipat ang atensyon sa akin. Napatingin ako sa kanila at pinilit pakalmahin ang sarili. Tinitigan ko ng masama ang lalake.

"I AM NOT A DAUGHTER OF AN ASSASSIN." pabulong ngunit mariin ang bigkas ko sa bawat salita na iyon. Ngumisi lamang siya at nagkibit balikat. Ugh. The nerve of this guy!

"Well, tignan nalang natin kung hanggang saan kayang dalhin ng tsismis na iyon ang katauhan mo. Alam ko naman na talaga ang totoo e." Aniya na nagpagulo sa utak ko. Anong totoo? At papaano niya naaman ang tungkol sa tsismis na iyon?!

"My family is harmless. We are not the family of assassin. " pagpapaliwanag ko sa kanya. Nakuyom ko ang aking kamao dahil sa nakakairita na nga ang nakangisi niyang mukha, nakakairita pa iyong mga kaklase ko na panay ang titig sa amin! May iba pang kinukuhanan kami ng litrato!

"Okay. Sabi mo e " aniya at aalis na sana sa harapan ko ngunit bumalik ulit. "Sya nga pala, nakalimutan kong sabihin sa iyo. I am also a transfer student. Galing din akong Lacoste University kaya huwag ka ng magtaka kung bakit alam ko ang tungkol doon." He winked at me before he leave. Napatulala ako sa sinabi niya. Kung hindi lang dumating ang aming guro ay baka buong oras akong nakatayo roon.

What he just said make me confuse. Anong mayroon sa lalakeng iyon at bakit pakiramdam ko ay may alam siya sa mga nangyayari sa buhay ko? Bakit parang kilala niya ng buo ang mga magulang ko?

Lady Of MadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon