Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi kaya late na akong nagising at nakarating ng school. Mabuti nalang talaga at wala kaming teacher ng first subject kaya hindi na naging problema iyon sa akin. It's friday. Bukas ay weekends na kaya inaasahan ko na ang tambak na assignments sa araw na ito.
"Psst! Miyuri!" Napalingon ako sa kaklase ko sa aking likuran. Kumunot ang noo ko dahil sa pagtawag niya sa akin. I don't remember her name... was it allyza? Allysia? Hmm.
"Bakit?" i asked her. Nginitian niya ako sabay pakita sa ticket na hawak niya. Mas lalong kumunot ang noo ko.
"May gig mamaya ang grupo nila Novem! baka...gusto mong sumama? May free ticket pa naman ako dito." Aniya. tinagilid ko ang ulo ko saka nag-isip.
A gig? So sa club iyon gagawin. And who is novem? Hindi ko siya kilala so bakit naman ako sasama? at isa pa, i dont go in such place like clubs.
"Uh. Sorry, i can't go with you." I smiled at her at muli nang binaling ang atensyon sa harapan. Dahil wala ang first subject namin ay naging maingay ang loob ng classroom.
"Ganoon ba? Sayang naman. Sumali pa naman doon si Robin.."
I automatically turn my gaze at my back when I heard the name Robin. He's with the band? Is he a musician?
"Robin Doloja? Kasali siya?" Nagliwanag ang mukha niya nang muli ko siyang kinausap. Agaran naman siyang tumango.
"Oh yes, yes! Dahil sa kanya kaya maraming manunuod sa gig nila bukas ng gabi. Alam mo naman, pogi problem. Hehe" aniya. I paused. Robin Doloja is a musician. Hindi halata sa mukha niya na hilig niya ang musika! I mean, mukha kasi siyang badboy.
"So ano, miyuri. Sama kaba? Sumama kana! Mag-eenjoy ka naman doon at isa pa, andun naman si Robin!" Hagikhik niya sabay asar sa akin kay robin. Napataas ako ng kilay doon. Saan naman nakuha ng babaeng ito ang idea para asarin ako kay Robin Doloja?
"Hindi ko crush si Robin.." sabi ko. Mariin para tumigil na siya sa pang-aasar. Napapalingon na kasi sa amin ang iba naming mga kaklase and god! Robin is just 4 chairs away from us!
"Oookay. So ano? Are you going with us?" Muli niyang tanong.
Sasama ba ako? Wala rin namang mawawala diba? And besides, i want to explore and have some friends too! Gusto ko rin namang mapanuod ang banda nila Robin...and i'm also curious about Novem.
"Okay. i'm in."
"Woooh! Yes! Here's your ticket madam." Napapailing na kinuha ko ang ticket na kanyang inilahad. Mas lalong napalingon sa kinaroroonan namin ang iba ko pang mga kaklase and Robin.
"Thanks for this. What time ba?" I ask her. her smiled widened.
"Halatang interasado ka na talaga ngayon! It's 7 o'clock in the evening at Floralisca Club. Be there okay? Wag mo akong indianin!" Aniya sabay tawa at peace sign. I nod at her at ngumisi narin. Hmm. I won't do that okay. Hindi naman ako ganung tao.
Muli na kaming bumalik sa aming pwesto nang dimating na ang second subject teacher namin. Napatingin naman ako sa ticket na hawak ko.
Wild Gazer Band
At Floralisca Club
7:00 Friday night
"Let's be wild and have fun!"I sighed when i read the quotation. be wild and have fun huh?
I wonder if it's really fun to go there. It's a club afterall so it really is fun! And i forgot, we're all minors so makakapasok kaya kami sa loob ng Club?
Napatigil ako sa pag-iisip nang maramdaman ko ang mga titig mula sa aking unahan. Napatingin ako kay Robin na panay ang titig sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay. Bumaba ang tingin niya sa ticket na hawak ko. Napatingin din ako doon kaya mabilis ko iyong tinago at inilagay sa bulsa ko. Muli ko naman siyang tinignan at nahuli ko siyang natatawa na naiiling. Uminit ang pisnge ko dahil doon. What's funny?! Ugh!
"Mimi!" Matinis na boses ang narinig ko at pagkalingon ko sa kinaroroonan nito ay nakita ko ang kumakaway na si Vannessa. I waved at her and smiled.
"Kanina ka pa dito? Sorry kung nag-antay ka ng ilang minuto ha. May ginawa pa kasi kami ng groupmates ko." Pagpapaliwanag ko sa kanya. Ngumiti naman siya sa akin at kinabig kaagad ang aking braso.
"Ano kaba! Wala iyon no. Saka, may dinaanan naman ako kanina bago ako nagpunta rito e." Aniya. Nginitian ko naman siya at niyaya ng pumunta sa coffee shop na lage naming pinupuntahan.
Pagkarating namin doon ay kaagad na kaming pumwesto sa paborito naming pwesto sa loob. Vannessa giggled as She sat on her chair.
"Bakit?" Tanong ko sa kanya.
"Huh? Ay wala wala! Naalala ko lang kasi iyong nakausap ko kanina sa school. She invited me to this evenT. Here oh." Sabay pakita niya sa kaparehong ticket sa akin. Nanlaki ang mata ko. Ganito kasikat ang banda ng Novem na iyon para makarating sa Lacoste?
"May ganyan din ako." Singhap ko. kumunot naman ang noo niya na parang nagtataka.
"Hindi nga? So pupunta ka? Sa ganitong event, pupunta ka?" Amaze na tanong niya sa akin. I nodded my head. Mas lalo namang lumaki ang ngisi niya.
"Woah! The princess of Garcia Family will finally go to an event like this one! Omg! I can't believe this!" Sabay hagalpak niya sa tawa. Napairap ako at napatawa narin.
"fine fine! Ako na itong Kill Joy sa mga ganitong event...pero dati na iyon! Now i want is to have some fun and explore! And please don't expect me to drink some liquor! That's not my diffinition of having some fun, vannessa." sabi ko sa kanya at nagsimula ng umorder ng cappuccino.
"I know, i know! Hindi ka naman kasi party girl no. Unlike angela, your cousin." aniya bago umorder ng kape. I smiled at her. Angela is really an alcoholic addict! Hindi hadlang ang minority niya para hindi siya uminom ng alak. Ito pa nga ang ginagawa niyang dahilan kung bakit siya umiinom niyon. It's because she wanted to experience the adult thing habang siya ay bata pa.
Napalingon ako sa labas ng resto. napakaganda ng panahon sa araw na ito. Sana bukas ay ganito rin ang panahon.
Napalingon ako sa cellphone ko nang mag beep ito. Nakatanggap ako ng message mula sa isang unknown number.
From 0921641860*
-hi Miyuri! It's Allyza, iyong nagbigay sa iyo ng ticket kanina (just in case na nakalimutan mo name ko ). Later i'll wait for you okay? Be there miyuri! :-*
Sandali akong napahinto sa paggalaw pagkatapos kong basahin ang message niya sa akin . Napangiti naman ako at saka binalingang ang nagkakape na si Vannessa.
"Van, sabay tayo mamaya sa Floralisca Clubhouse. Isama natin si Angela."
kita ko ang ngiti sa mga mata ng kaibigan ko at agad na tumango.
Floralisca... be good to me.
BINABASA MO ANG
Lady Of Madness
ActionMiyuri lived peacefully together with her family and friends. Namulat siya sa mundong inakala niyang normal. Buong akala niya ay mananatiling normal ang buhay niya ...that's what she thinks... until she found out the secret of her mother being an as...