Joke #90

627 10 0
                                    

"Juan 'pag nakita mo si Aling Josefa sabihin mo wala ako dito sa bahay ah?" Sabi ni Aling Tina na nanay ni Juan dahil nagtatago ito kay Aling Josefa kasi may utang siya rito.

"Opo." Sagot naman ni Juan.

Makalipas ang sampung minuto. . .

May kumakatok at daling daling nagtago si Aling Tina sa kwarto nila. Binuksan 'yon ni Juan at bumungad ang nakasimangot na mukha ni Aling Josefa. "Asa'n ang nanay mo? Hindi n'ya pa nababayaran ang kan'yang utang!"

"Pinapasabi po, wala raw siya rito sa bahay. Pero ayun po, nasa kwarto lang po siya. Nagtatago po ata." Sabi ni Juan.

--

Hot's Note: well 50% true ang joke na 'to dahil nangyari na 'to samin. Pwera lang, hindi utang--basta. Hahaha

pinoy jokesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon