II: Lalaban o Kalayaan?

79 15 29
                                    

R E N E E S E A X L

"Axl."

Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko at ang unang bumangad sa akin ang nakangiting mukha ni Drei. He can't drop that sweet smile of him everytime that he sees me.

"Kumain ka muna." Nakangiting sabi niya at tinulungan akong maka upo nang ayos.

I cough repeatedly that almost my throat turned to dry. Dizziness is still on my head. Matutumba na sana ako nang maramdaman ko ang bigat ng ulo ko. Luckily, Drei catch me. He placed his left hand in my forehead.

"Mas lalong tumataas ang iyong lagnat." He worried.

I looked at him and gave him a weak smile, " Maaari bang nasa ganito muna tayong posisyon kahit na panandalian? Mas komportable ako dito."

There's a flash of red in his cheeks. I can feel his warm breath touches my pale skin. Kitang-kita ng mga mata ko kung paano gumalaw ang adam's apple niya sa paulit-ulit na paglunok niya. Hindi siya mapakali.

"A-axl, pakainin muna kita. Nanghihina ka pa." Naiilang na sabi niya.

Sinandal niya ang likod ko sa head board ng kama. Kinuha niya ang mangkok na naglalaman ng lugaw. Gamit ang kutsara, sumalok siya at iniharap ito sa akin.

"Ibuka mo ang iyong bibig. Susubuan na lang kita." Hindi pa rin natatanggal ang pula sa pisngi niya.

Binuka ko ang bibig ko at sinibuan niya ako.

"Pagkatapos mong kumain, iinumin mo ang iyong gamot bago magpahinga."

Nakangiti akong tumango. Sinubuan niya lang ako nang sinubuan ng pagkain hanggang sa maubos. Kahit na mapait ang panlasa ko, nalalasahan ko ang timpla ng lugaw. Malinamnam at konting anghang at alat. Sakto lang sa panlasa.

"Ikaw ba ang nagluto?" Nanghihinang tanong ko.

"Oo." Sagot niya habang sinasalin ang tubig sa basong gawa sa kahoy.

"Kaya pala masarap. Hindi ka talaga pumapalpak sa pagluluto." Puri ko na lalong nagpalapad sa ngiti niya.

"Salamat!" Masaya niyang sambit.

Sa tuwing magluluto si Drei, ako lagi ang kasama niya. Lahat ng putaheng niluluto niya ay masasabing perfect. Sometimes, he teach me how to cook and it results into a good taste. He can be a professional chef.

"Abala sa pag eensayo ang ating kasamahan. Samantalang ako, narito lang sa tabi mo. Pinagmamasdan at inaalagaan ka. Hindi ko hahayaang walang mag aalaga sa'yo." Inabot niya sa akin ang isang basong tubig. "Tanging ikaw lang ang inintindi ko."

Nagkatinginan kami sa aming mga mata. Ngayon ko lang napagtantuan na kaakit-akit ang mga ito.

Awkward akong ngumiti sa kaniya, "Drei."

Kukunnapagtantuanin ko na sana ang tubig na alok niya nang hindi ko sinasadyang tabigin ito. Tumilapon sa akin ang tubig at nahulog sa sahig ang baso.

"Axl!"

Napatingin kami sa pinto kung saan doon nanggaling ang boses. Tila binuhusan ng malamig na tubig ang ekspresyon ni Brent habang sina Kris at Christian, ang Electrinese: Thunder at Lightning ay nakangising nakatingin sa amin na may akala mo'y may iniisip na kung ano.

"Ang bawat kilos mo, Drei. Talagang iyong pinapakita na." Pa cool na sabi ni Christian. Amethyst ang iniingatan niyang gem kaya ang kulay ng kaniyang kapa ay violet. Sinamaan lang siya ng tingin ni Drei.

Mabilis na naglakad papunta sa direksyon namin si Brent. Bugnot na bugnot ang mukha niya. Kinuha niya ang kapa niya sa kaniyang likuran at sinaklob sa katawan ko na parang niyayakap ako sa aking likuran.

Ang Alamat Ng Baston Ni MartinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon