Huminga nang malalim ang disinyube anyos na dalaga na si Recca hanggang sa maramdaman niya ang malamig na pagdampi ng sariwang hangin sa kaniyang baga. Minulat niya ang kaniyang mga mata at napagtantuang muli siyang nagbalik sa isang silid na punong puno ng mga kakaibang eksena. Tila nanunuod siya ng iba’t ibang pelikula. Malimit siyang magtungo rito sa tuwing siya’y nagpapahinga o nagpapakalma kahit hindi niya alam kung paano siya napadpad dito. Sa tuwing iginagala niya ang kaniyang paningin sa bawat napapanuod niya, pakiramdam niya ay konektado ito sa kaniyang pagkatao. Hindi niya ikinabahala ang lugar na ito sapagkat tila dito niya mahahanap ang mga sagot sa kaniyang katanungan tungkol sa kaniyang pagkatao. Sino nga ba talaga siya?
Lumapit siya sa isang eksena kung saan nagaganap ang isang pagdiriwang. Kasayaw ng isang gwapo ginoo ang isang binibining walang mukha. Hindi niya mawari kung sino ang kasayaw ng binata pero habang tumatagal ang pagtuos niya ng pansin sa dalawa ay unti-unting lumalakas ang tibok ng kaniyang puso.
“Muli kang nagbalik, Recca.”
Bumaling si Recca sa kaniyang likuran at doon niya natagpuan ang isang bolang apoy na lumulutang sa ere. Hindi natakot o nagulat si Recca sapagkat nasanay na siya sa malimit na pagpapakita nito sa kaniya. Lumapit siya rito na may ngiti sa labi.
“Sa tagal ko nang nakakapunta rito, ano ba talaga ang gusto mong iparating?” Inosenteng tanong ni Recca.
“Ang mga bagay na hindi pangkaraniwang nakikita ay naghahatid ng mensahe. Sa iyong sarili mo lamang mahahanap ang nais ipahiwatig noon.” Ang boses na pagmamay ari ng bolang apoy ay malalim at makapangyarihan.
Binigyan ni Recca ng pansin ang isang eksena kung saan magkakasama ang walong mandirigma sa isang parang habang malakas na bumubuhos ang ulan. Pamilyar ang mukha ng pitong lalaki subalit hindi niya tanda kung saan niya nakita ang mga iyon.
Muling tinapunan ni Recca ang bolang apoy, “Sa palagay mo ba, mahahanap ko rin ang sagot sa pagkatao ko?” Nababagabag na tanong ni Recca.
“Mahahanap mo ang sagot sa iyong katanungan kung tatanungin mo ang iyong sarili.”
Hindi maintindihan ni Recca ang nais iparating ng bolang apoy. Masyado itong matalinhaga.
Noon pa man n’ong pumatak ang ikalabing walong kaarawan ni Recca ay sinimula na siyang kainin ng kaniyang bagabag. Tila hindi maubusan ng tanong ang kaniyang isipan at uhaw na uhaw siya sa mga sagot. Nanunuyo ang kaniyang pagkatao dahil sa tindi ng init ng kaniyang dinamdamdam. Kulang na lamang ay mabaliw siya sa kakaisip.
“Aasahan ko ang mga salitang binitawan mo sa akin. Sana naman sa araw na ito, masagot man lang ang isang tanong ko.” Umaasa na sabi ni Recca.
“Mahahantungan mo rin ang pagkakataon.”
💎
Alas tres na ng hapon pero ang mga estudyante ng mechanical engineering course ay wala na sa linya ng pagiging masigla. Ramdam na ramdam nila ang antok na humehele sa kanila at isang pitik lamang ay paniguradong bagsak na sila sa kanilang mga lamesa. Abala naman sa pagsusulat sa white board ang isang istriktong propesor habang ipinapaliwanag ang kaniyang lesson.
Napatigil ito sa pagsusulat at pagsusulat nang marinig niya ang isang harok. Mabilis siyang lumingon sa kaniyang mga estudyante na ngayon ay nabuhayan dahil sa gulat, maliban lamang sa isa na nakapikit pa rin ang mga mata habang nakahalumbaba.
Ibinato ng propesor ang kaniyang marker sa natutulog na estudyante. Agad na nagising si Recca nang tumama sa kaniyang mukha ang ibinato ng kaniyang propesor. Umupo siya nang ayos habang bakas sa kaniya ang salitang ‘taranta’.
BINABASA MO ANG
Ang Alamat Ng Baston Ni Martina
Fantasia(SA MUNDO NG MESOLONIA SERIES SPIN-OFF) "In battlefield, Intelligence is the only sword and protection is the only shield." Pagpatak ng 18th birthday ng dalagang si Reneese Axl, iniwan na siya ng kaniyang Lola Mita sa mundo ng Mesolonia, isang lugar...