III: Sayaw ng Damdamin

65 11 23
                                    

V A U G H N

Kinuha ko ang aking kwintas na nakasabit sa aking leeg kung saan doon nakasabit ang iniingatan kong bato. Ang Ruby. Pinagmasdan ko ito nang mabuti. Hindi ako mapapapunta sa kakaibang lugar na ito kung wala sa akin ang Ruby.

Katulad ng iba kong kamiyembro, isa din akong mortal. Nagkaroon ng kakaibang akibat na lakas nang binayayaan ako at tinanghal bilang isang Phoenix: ang kakaibang ibon na hindi basta-basta makikita nino man.

Musmos pa lang nang ako'y dalahin dito. Wala na sa aking piling ang aking Ama't Ina 'pagkat pumanaw na sila dahil sa isang aksidente. Pagkatungtong ko pa lang dito, tinuruan na agad akong pakontrolin ang aking kakayahan hanggang sa nasanay ako, gumaling at lumakas. Nalimot ko na ang lahat ng naranasan kong sakit sa mortal na buhay. Masaya na ako sa aking buhay kung nasaan ako. Wala na akong hinihiling pa bukod doon.

" 'Wag niyo nang guluhin ang buhay ni Axl. Wala kayong maitutulong sa kaniya."

Makasarili ka talaga, Brent.

Sinuit ko muli ang kwintas at napayuko ako nang marinig ko ang boses na iyon. Katulad ng magara kong suot, damit na may mahabang manggas sa parteng kamay at dinesenyohan ng mga palamuti. Nakasabit pa rin sa kanilang balikat ang kapa nila. Ang pang ilalim na mga ito'y mahaba na aabot hanggang sa paa na yari sa maong na tela. Botas naman ang gamit nilang pangsapin sa paa na aabot hanggang kalahati ng binti. Sa katwiran, mga mukha kaing prisipe sa espesyal na gabing ito. Nakadag an ang kanang braso ni Brent sa leeg ni Drei. Tinawanan lang siya ni Drei at marahas na tinanggal ang nakaharang na braso sa leeg niya.

"Pagmasdan mo sa tubig ng asul na dagat ang iyong repleksyon. Itanong mo sa iyong sarili kung ano ka sa buhay ni Axl." Naglabas siya ng malutong na tawa, "Matalik na kaibigan lang, hindi ba?"

Napaatras si Brent ng ilang hakbang. Bakas sa kaniyang mukha na hindi siya makapaniwa sa narinig.

"Hanggang doon ka lang, Brent. Hindi na mas hihigit doon." Umukit sa labi niya ang isang mapang inis na ngisi.

Tumalon ako pababa sa punong pinagpapahingahan ko at lumapit sa kanilang dalawa. "Hindi kayo bata upang pag agawan ang isang masarap na tsokolate."

Sabay silang napatingin sa aking gawi, "Anong ginagawa mo rito, Vaughn?" Tanong na kumawala sa bibig ni Drei.

"Nagpapahinga." Tipid kong sagot.

"Bakit? Hindi ba't inaagaw mo rin sa amin ang gusto naming tsokolate?" Taas kilay na tanong ni Brent.

"Masasabi kong oo, ngunit hindi sa paraang ginagawa niyo. Masyadong isip bata."

"Kung talagang mahal ko, aking ipaglalaban. Iyon ang nararapat." Sambit ni Drei.

"Mahal mo nga ba talaga?" Nilagay ko ang aking mga kamay sa aking beywang, "O nakikita mo lang sa kaniya ang dati mong sinisinta?" Intriga kong tanong na nagpatikom sa mga palad niya.

Bago pa dumating si Reneese, may sinisinta itong si Drei na isang sirena na naninirahan sa pulo ng Silarion. Nagngangalang itong Arina. Kaya niyang magkatawang tao kapag umakyat siya sa lupa at kaya ring magkatawang sirena sa tuwing nababasa ang mga paa niya ng tubig. Pumanaw ito sa kadahilanang malalim na karamdaman. Hindi tanggap ni Drei ang nangyari. Labis niya itong minahal.

Nilipat ko ang aking tingin kay Brent, "Huwag mo siyang solohin na tila'y iyong pagmamay ari. Hindi siya bagay upang agawin. Makasarili ka."

Bago ako tumalikod sa kanila, aking nahuli ang pagsalubong ng mga kilay ni Brent.

"Ingat na lang kayo, baka maya-maya mawala siya sa mga kamay niyo at wala pasing tabing nakuha ko na siya mula sa inyo."

Kinain na ako ng sarili kong apoy hanggang sa maglaho ako sa paningin nila. Sa pulo ng Silarion, napadpad ako sa harapan ng kastilyong tinitigilan naming mga mandirigma ng hiyas kung saan dito ginaganap ngayon ang matagal nang paghihintay sa sinasabing pagdiriwang, ang muling pagbabalik ng engkantadang si Martina.

Ang Alamat Ng Baston Ni MartinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon