Namayani sa puso ng bawat mandirigma ang pagkabahala sa sitwasyon ni Brent. Alam nilang malaki ang maitutulong ni Brent sa laban dahil sa kakayahan nito ngunit mukhang malabo mangyaring makatulong ang kasama dahil sa matinding kahinaan nito sa dilim. Ngayon, nawalan na sila ng tatlong kasamahan pero hindi ito naging alintana sa kanila. Pinilit na lamang nilang ituon ang kanilang pansin sa laban.
Nang makaraos ang mga gimar sa pagawa ng sandata ay inihanda na sila ni Vaughn sa digmaan. Ilang saglit ay biglang nawasak ang harang na pumipigil sa kampon nina Salome at Nadar. Talagang pursigido ang mga ito na lusubin ang mga natitirang gimar. Tumilapon naman kung saan ang nanghihinang sina Symon at Xander subalit agad silang tumayo at humalubilo sa mga kasama. Kahit na damang-dama na nila ang pagod at panghihinang umuubos sa kanilang lakas, hindi sila magpapatalo sa kanilang dinadama, lalo na’t paparating na ang mga kalaban.“Lahat ay maghanda!” Sigaw ni Vaughn sa kaniyang mga kampon.
Nabuo sa kanang kamay ni Vaughn ang isang nag-aapoy at lumalagablab na espada’t kalasag. Bukod tangi itong naiiba sa lahat ng sandata ng mga mandirigma.
Umalingaw sa pandinig ng lahat ng nilalang ang isang kakaibang huni ng ibon na ngayon lamang nila narinig. Dahil rito, naagaw ang atensyon ng kabilang panig at napahinto. Tinapon nila ang kanilang paningin sa kanilang itaas at yumutawi sa kalangitan ang ibong malayang lumilipad na ngayon lamang nasilayan, ang minokawa. Nag aapoy ito habang ang higante nitong pakpak na halos kayang sakupin ang Parang Pagsasanay ay nagbigay sa mga taga gimar ng mainit ngunit nakakasilaw na pulang liwanag. Biglang bumaba ang lipad nito patungo sa kabilang panig at bumuga ito ng kasindak-sindak na apoy. Tila nagsasayaw sa sakit ang mga napuruhan hanggang sa mawalan ang mga ito ng buhay. Ang mga swerteng buhay pa ay napagapang na mapalayo lamang sa higanteng apoy na takam na takam na silang kainin.
Nagtungo ang minokawa sa direksyon ng panig na kaniyang kinampihan na ngayon ay nagtatalon at nagsisigaw sa tuwa. Malumanay ang lipad nito papunta kay Vaughn hanggang sa lumiit ito at kumapit sa balikat ng kaniyang kakampi. Ikinamangha ito ng kaniyang mga kasama at nagpunyagi ang mga ito subalit ito’y inagaw nang tawagin ni Nadar ang tubig na pumapalibot sa kanila gamit ang baton. Sinaboy niya ito sa higante at malupit na apoy hanggang sa humpa ito. Nagpatuloy ang panig ni Nadar sa paglusob at bakas sa mga mababagsik na mga mata ni Nadar ang kaniyang poot.“SUGOD!” Maotoridad na sabi ni Vaughn at siya ang nanguna sa kaniyang pangkat sa pagsalubong sa kalaban.
Malakas at panatag ang loob na sumunod ang panig ni Vaughn sa kaniya. Hinanda ang kanilang sarili at ang kanilang buhay na buong pusong inaalay alang-alang sa tagumpay. Muling lumipad sa himpapawid ang Minokawa at bumalik ang dating laki nito.
Bawat hakbang, bawat yabag na gawa ng mga paa ng dalawang panig ay sanhi ng pagyanig ng lupa. Papalakas nang papalakas, senyales na magsasalubong na ang dalawang panig. Bitbit ng desididong desisyon, bakas sa kanilang mga mukha ang pag aasam sa kanilang matinding hangarin. Sa pagpatak ng ilang sandali, tuluyan nang nagkabanggaan ang dalawang panig.
Unang nagtagpo sa digmaan ang Arimoanga at ang Minokawa. Dumadagundong ang mabilis at mabigat na takbo ng Arimoanga patungo sa Minokawa. Nanlilisik na tumalon ang Arimoanga papunta sa Minokawa habang nakalabas ang mga pangil at matatalas ng mga kuko. Tumulin ang lipad ng Minokawa at inihanda ang kaniyang lumalagablab na apoy sa tuka pati ang kaniyang matalas na pakpak at kuko. Sa kanilang pagsalpukan ay pareho silang tumilapon iba pang bahagi ng parang at doon na nagsimula ang kanilang mainit na paghaharap.
Nagpatagisan ng kaalaman at kakayahan ang bawat nilalang sa larangan ng digmaan. Buto sa buto, laman sa laman. Ngipin sa ngipin ngunit nanaig sa daloy ng kanilang dugo ang kanilang pagkakakilanlan. Tanging musika sa kanilang pandinig ay ang hiyaw sa hinagpis ng mga kalaban na mistulang umaawit sa kanilang kalooban. Ang mga gimar na nasa panig ni Vaughn kabilang sina Sam, Christian, Xander at Symon ay nakikipaglaban sa kapwa nilang gimar na nasa panig ni Nadar. Kahit masakit sa kanilang kalooban ang gawin ito, wala silang magawa kun’di ang kinakailangang tapusin ang kasamaan.
BINABASA MO ANG
Ang Alamat Ng Baston Ni Martina
Fantasia(SA MUNDO NG MESOLONIA SERIES SPIN-OFF) "In battlefield, Intelligence is the only sword and protection is the only shield." Pagpatak ng 18th birthday ng dalagang si Reneese Axl, iniwan na siya ng kaniyang Lola Mita sa mundo ng Mesolonia, isang lugar...