"La, ano po ba talaga ang nangyayari?"
" 'Wag kang mabahala, apo. Si Lola ang bahalang mag asikaso sa nangyayari ngayon."
"Pero La, mapapahamak po kayo kapag mag isa lang po kayo makikipaglaban! Madami sila!"
Isang kristal na likido ang tuminag sa madilim na paligid. Kahit na walang maaninag sa dilim, ramdam na ramdam ng dalaga ang haplos ng kaniyang Lola sa kaniyang muka. Mainit iyon at naghatid ito sa kaniya ng pampagaan sa kaniyang nababahalang kalooban.
"Basta lagi mong tandaan, apo, mahal na mahal kita."
Nilapat ng matanda ang kaniyang palad sa katawan ng isang mayabo at matayog na puno. Biglang may lumitaw na maliwanag na paikot-ikot na mga ukit hanggang sa nabuo itong isang pinto. Pagkabukas nito ay agad na pinapasok ng matanda ang kaniyang apo dito. Ngunit bago sila maghiwalay ay hinawakan niya ang kanang kamay ng kaniyang apo at inilagay doon ang isang berdeng hiyas.
"Itinakda ni Martina ang emerald sa iyo. Itago mo, ingatan mo. 'Yan ang makakatulong sa'yo para malaman kung ano ang iyong papel sa Mesolonia."
Maya-maya'y unti-unti nang nagsara ang mahiwagang pinto. Sa kakarampot na siwang na natitira ay naaninag ng dalaga ang huling ngiti na iniwan sa kaniya ng kaniyang Lola.
Nagsimula nang pumatak sa pisngi ng dalaga ang mga luha. Nais niyang bumalik sa kaniyang pinakamamahal na Lola subalit huli na ang lahat. Sarado na ang pinto at mabilis itong naglaho.
Posibleng iyon na lamang ang huli niyang pagkakataong makapiling at makausap ang kaniyang natitira at nag iisang importanteng tao sa buong buhay niya.
💎
@ReccaPalma
BINABASA MO ANG
Ang Alamat Ng Baston Ni Martina
Fantastik(SA MUNDO NG MESOLONIA SERIES SPIN-OFF) "In battlefield, Intelligence is the only sword and protection is the only shield." Pagpatak ng 18th birthday ng dalagang si Reneese Axl, iniwan na siya ng kaniyang Lola Mita sa mundo ng Mesolonia, isang lugar...