IV: Kakampi ng Dilim

44 8 4
                                    

R E N E E S E  A X L

   Nang matapos ang sayawan, napuno ng pagtataka ang loob ng kastilyo dahil sa mga bato namin ni Vaughn. Patuloy ito sa pagkinang hanggang sa makarating kami sa aming trono.

     Humupa na ang nakakarinding bulungan nang magsaway si Haring Consuelo. Nakasentro na sa amin ang mga mata ng mga panauhin ngunit, naglabas sila ng mga pekeng mga ngiti. Dama ko iyon.

     "Napaka halaga ng gabing ito sa ating lahat. Nasa ating harapan ang siyam na mga tagapag alaga ng mga mahaharlikang bato ni Martina upang tayo'y tulungan sa ating matagal ng pinakahihintay. Datapwat bago tayo magsimula, paninimulaan muna ni Vaughn ang ating selebrasyon." Masayang sabit ni Haring Consuelo sa harap ng mga panauhin.

     Nagparaya ng masigabong palakpakan ang mga nilalang nang tumayo sa harapan nila si Vaughn. Lumingon siya kay Haring Consuelo at nagpasalamat.

     "Maraming salamat sa inyong pagdalo." Nakangiti niyang pasasalamat. "Alam nating lahat na ngayong gabi ang nakatakdang oras. Madaming taon ang ating nalagpasan upang paghandaan ito. Kaming mga mandirigma, ginawa ang lahat upang matupad ang mga binitawang salita sa amin ng ating mga pinuno. Inalagaan at binigyan namin ng proteksyon ang mga batong nasa amin." Pinagdaop  niya ang kaniyang mga palad, "Hindi ko na patatagalin pa ang aking panimula. Atin nang simulan ang ating pagdiriwang!"

     Lumingon siya sa amin. Tumayo kaming mga natirang mandirigma at naglakad papunta sa unahan upang makapantay namin si Vaughn. Nag aalinlangan pa akong lumapit. Hindi ako sanay na humarap sa madaming nilalang.

     Nilabas ng dalawang tikbalang ang isang babasaging lalagyan na parihaba ang hugis. Kitang-kita sa loob nito ang baton ni Martina. Ukab-ukab ang katawan nito 'pagkat nasa amin ang mga batong dapat na nakalagay sa bawat ukab.

      Maingat itong kinuha ni Haring Taryo at nilagay sa tapat ng sinag ng malaking buwan. Lumutang ito na nakatayo. Nasa aming unahan ito at ilang hakbang lamang ang layo sa amin.

     Tinuro ni Vaughn ang buwang nakasilip sa malaking bintana ng kastilyo, "Kitang kita nating lahat ang kagandahan ng buwan. Sa paglagay ng huling bato sa baton, kinakailangan na maging kulay asul ang sinag ng buwan." Nilipat niya ang kaniyang tingin na nakangiti sa akin. Ang mga ngiting iyon ang nagpapalugod sa aking damdamin.

     "Tanging si Reneese Axl lamang ang hahawak ng baton at siya rin ang magtataas nito. Siya lamang ang makakapagpalaya sa mahimbing na pagkakatulog ng ating huling panauhin."

     Pasimple kong tinuro ang sarili ko habang nakatingin sa kaniya. Pinapahiwatig niya kung ako talaga ang gagawa n'on. Malugod niya akong tinanguan. Sana hindi ako pumalpak.

     Muli niyang binalik ang atensyon sa mga bisita, "Magpapakilala muna sa inyo ang bawat madirigma bago nila ilagay sa nararapat na lugar ang mga hawak nilang mga bato. Ating simulan kay Christian."

     Bumalik siya sa aking tabi. Malayang umingay sa bawat sulok ng kastilyo ang malakas na palakpakan ng mga nilalang nang pumunta si Christian sa unahan.

     Pikit mata siyang yumuko sa harap ng lahat.

     "Magandang gabi sa inyo. Ako pala si Christian, may kakayahang kontrolin ang kuryente at kidlat." Nilabas niya ang kaniyang kwintas na nakasilid sa loob ng kaniyang suot. Kinuha niya dito ang nakasabit na batong iniingatan niya.

     Nakangiti siyang lumapit sa baton. Tinapat niya ang kaniyang bato sa nararapat na pwesto nito. Kusa itong kumapit sa kinalulugaran niya at nagkaroon ng sinag. Senyales na ito ang tamang bato.

Ang Alamat Ng Baston Ni MartinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon