Chapter 39

9.3K 151 5
                                    

Chapter 39

Debbie's POV

Alam ko marami akong nasabing hindi maganda kay javier. At alam ko ring nagaalala lang siya para sa akin. Pero kahit ano pang sabihin ng iba, hindi na magbabago ang isip ko.
Ano na lang ang mangyayari kapag sinabi ko kay xander ang tungkol sa anak namin? Naawa ako sa bata.

"Wag kang magalala anak, Poprotektahan kita. Ikaw na lang ang meron ako kaya Hindi ko hahayaang may manakit sayo." Mahinang bulong ko at saka Yumuko ako at humimas sa aking tiyan. Di ko rin napigilan ang pagagos ng luha ko. Narealize ko kasi na kahit paghihirap lang ang dinanas ko sa pagmamahal kay xander, May maganda parin palang ibinunga iyon.

Ibubuhos ko ang lahat ng pagmamahal ko sa anak ko. Hindi ko hahayaang matulad siya sa akin. Ilalayo ko siya sa mga taong pwedeng manakit sa kaniya. . . kahit si xander pa iyon.

Pinunasan ko ang mga luha sa pingi ko nang makarinig ako ng mga yabag. Agad kong nakita si javier na nakasakay sa kabayo at bumababa. lumapit siya sa akin na nakakunot ang noo.

"Umiiyak ka ba?" Yun agad ang una niyang itinanong sa akin. Umiling iling naman ako. Pero hindi siya kunbinsido sa isinagot ko. "Ang sabi ng doktor bawal sayo ang ma-istress. Halika nga dito." Marahan niya akong pinaupo sa bato. Naupo rin siya sa tabi ko. "Ang sabi ni lola connie, naglakad lakad ka daw malapit sa ilog kaya sinundan na kita. Ano, May nararamdaman ka ba? Gusto mo bang pumunta sa ospital?"

"W-wala naman." Halos pabulong na usal ko. Pagkatapos ay tumingin ako kay javier at alanganing ngumiti. "S-sorry nga pala dun sa mga nasabi ko sayo kahapon. Dala lang siguro ng pagkabigla kaya ko nakapagbitaw ng mga ganung salita."

"Yun ba? Wag mo ng isipin yun. Gusto ko rin humingi ng sorry sa pakikielam ko. Nagaalala lang naman ako para sa magiging anak mo, eh."

Tumingala ako sa kaniya at pinagmasdan siya. Pumulot naman siya ng maliliit na bato at hinagis yun isa isa sa ilog.

"Ayoko lang kasi na may isang bata na isisilang na walang kinikilalang ama. Alam ko ang pakiramdam ng walang buong pamilya dahil lumaki ako sa ganun."

Natigilan ako sa sinabi niya. Kaya ba ganun na lang ang pagpipilit sa akin ni javier na ipaalam sa ama ng anak ko ang tungkol sa pagbubuntis ko?

Tumingin siya sa akin ay tipid na ngumiti. "Bata palang wala na ang mga magulang ko, debbie. Kasama sila sa aksidenteng nangyari sa magulang nila samantha. Simula nun, si lola connie na ang kumupkop sa akin."

"S-sorry, javier."

"Para saan naman yan? Wala ka namang kasalanan."

Para saan nga ba? Pero naiintindihan ko siya. Alam ko rin kasi ang pakiramdam ng ganun, yung mawala ang lahat ng mahal mo sa buhay hanggang sa ikaw nalang ang nagiisa. At Nakikita kong tinatago lang niya ang sakit sa likod ng mga ngiti na yan.

Di ko napigilan ang sarili kong yakapin siya ng mahigpit. Hindi ko alam kung bakit pero piling ko kailangan niya. Naramdaman ko naman ang paghagod niya sa likod ko bago ako muling kumalas sa kaniya.

"Salamat javier. Kasi andiyan ka. Ok na ako uli."

"I'm glad to hear that." Aniya sa malamlam na tingin sa akin at ngumiti. Ngumiti na rin ako.

Pero mayamaya lang ay, unti unting napalitan ang ngiti na yun ng pagkunot ng noo ko nang makaramdam ako ng panghihilab ng tiyan. Agad ding napakunot ng noo si javier.

"Ah!"

"Debbie, are you ok? M-may nararamdaman ka ba?!"

"Javier yung—ah! Ang sakit!"  Nagsimula akong mamilipit sa sakit nang mas tumindi ang nararamdamang panghihilab sa tiyan ko. Napasapo ako dun at pilit inaalis ang sakit. Pero mas dumoble ang kaba ko ng makita ang dugong dahan dahang umaagos sa binti ko.

🔞 I'm His Private Property [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon