EPILOGUE
Debbie's POV
"Mrs. Fontanilla."
"Hmm?" Nakangiting nilingon ko si xander nang maramdaman ko ang pagyakap niya mula sa likod ko. Humihimas naman ang kamay niya sa bewang ko at kinintalan ako ng halik sa leeg.
Kahit kasal na kami ni xander, hindi pa rin nawawala ang pagkapilyo niya. Minsan ay napapailing nalang ako.
"Mrs. Fontanilla, Matulog na tayo." Malambing na bulong niya sa tenga ko. Marahan niya rin akong kinagat dun kaya nakaramdam ako ng kiliti.
"Mauna ka na. Patutulugin ko muna si baby." Sabi ko. Dinungaw naman niya sa crib ang natutulog naming sanggol na si alexandre.
"He already sleeping, halika na, hindi ako makakatulog kapag hindi kita katabi, eh." Pinaharap niya ako sa kaniya at ipinulupot ang braso sa bewang ko. Naupo siya sa kama at nahiga, kumubabaw naman ako sa kaniya at dinampian ng halik ang labi niya at saka marahang kinurot ang tungki ng ilong niya.
"Parang ngayon ko lang yata nalaman yan? Hindi ka nakakatulog ng hindi mo ako nakakatabi?"
Muli niya akong hinagkan sa labi at mabilis na umikot. Ngayon naman ay siya na ang nakakubabaw sa akin. Muli niyang hinalikan ang labi ko, pero sa pagkakataon na yun, mas malalim at matagal na.
Sabay naming habol habol ang paghinga nang kumalas kami sa isa't isa. At saka ako Humilig sa dibdib niya.
"I love you xander." Mahinang bulong ko. Kinintalan niya naman ng halik ang buhok ko at hinagod yun.
"I love you too."
Pumikit ako habang nakangiti at payapang nakatulog. Dahil alam ko kapag gigising ako isang umaga, ang mga halik uli ni xander ang bubungad sa akin.
**WAKAS**
BINABASA MO ANG
🔞 I'm His Private Property [UNDER EDITING]
General FictionGuwapo pero tila may tinatago sa pagkatao nito si xander. Ngunit sa kabila niyon ay ibinigay parin ni debbie ng buong buo kay xander ang lahat ng meron siya. Even her heart. She willing to do everything for his love. Ngunit paano kung kabiguan at h...