#4

619 4 1
                                    

Grabe lahat ng sinasalihan ni Chinito sinasalihan ko na rin. Pero aminado naman ako na maganda talaga boses ko.  *O*

After classes nag.practice na ko ng piece ko para sa The Voice. Sa classroom na lang ako pumunta para wala masyadong destruction. Pero mali pala ako. Dahil nakaka.two lines pa lang ako sa kanta ko nakarinig ako ng mga boses. Yung para bang nagtatalo. 

Lumabas ako para silipin kung sino yun. Pero nagtago ako sa may wall.

Nagulat ako sa nakita ko.  Si Sophie, yung Half- Italian na pinakilala nila sakin at si Carl?

"Akala ko ba iiwan mo na siya?"- Carl

"Di ko pala kaya. Mahal ko siya! At di ko iiwan si Justin para sayo!"

Nakita kong hinawakan ni Carl yung kamay niya. Lumuhod yung parang nagmamakaawa.

"Please Sophie. Handa ako kahit dalawa kami. Please. Mahal talaga kita." sinabi niya habang may tumutulong luha sa mata niya..

"Bitawan mo nga ako! Anu ba! ". At naglakad palayo. Iniwan siyang nakaluhod dun. May mga dumating na  ring mga estudyante. Tumakbo agad ako.

"Carl. Tumayo ka na dyan. Ang daming tao oh. Wag mong ipahiya sarili mo." sumunod naman agad siya. 

"Oh. Alis na! Tapos na ang palabas! Shoo. Shoo!" Pagkasabi ko nyan tsaka nag.alisan yung mga usiserang students.

 Salamat." Nakita ko na tipid na ngumiti si Carl sakin. Pero halata pa rin yung lungkot sa mata niya.

"Wala yun."

"Sino ka nga ulit? Ang tanda ko lang kasi. Ikaw si Ms.Damot yung ayaw magpahiram ng ballpen at natutulog habang nag.quiquiz."

"Ako si Cathy Perez. Carl Lee right?" i raised my one eyebrow.

"Yup. Siguro iba na pagkakakilala mo sakin ngayon. Ako ay si Carl Lee na isang lalaking nagpapakatanga sa isang babaeng alam ko namang may boyfriend na."

"Ano ka ba hindi no. Madami naman kasing iba dyan." Nakita kong nagbuntong hininga siya.

 "Sana nga. Ganun lang kadali yun."   Tumayo siya. Nagsimulang maglakad palayo. Iniwan akong nag-iisip at nasasaktan para sa kanya. Halata na sobrang nasaktan siya sa nangyari.

Tumakbo pa ko para sundan siya. Daig ko ba ata yung mga kasali sa Track & Field.

"HOY CARL!!"

at Buti naman narinig niya.

"Ang bili-s m-ong- maglakad.! Hiningal ako ng bongga!"

"Sino ba naman kasi may sabi sayong sundan mo ko?" Masungit niyang sagot sakin.

"Sama mo. Concern lang naman. Brokenhearted ka pa naman. Baka mamaya magpasagasa ka  na lang sa mga sasakyan diyan sa Highway. =_= "

"Nakakatawa ka talaga. Aminado akong brokenhearted ako. Pero di naman ako desperadong tatapusin ang buhay ko dahil lang sa isang babae. Wag mo na kong sundan. Oh ito saluhin mo! " binato niya yung bote ng mineral water galing sa bag niya.

"Ano to?"

"Malamang tubig. Iniinom yan. Baka pati yun di mo pa alam.  Sige alis na ko.Salamat ulit." . Ganun ba talaga pag brokenhearted. Sumusungit?

"Sige! BYE! INGAT KA! " nagsmile lang siya. Kilig ako. Omy.

- - -

Chinito.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon