Ilang araw ang lumipas pero mas pinili kong wag na sabihin o itanong kay Carl tungkol sa narinig o nakita ko.. Kinuwento ko kay Kaye yung tungkol dun sa "Justin" na nakausap ko sabi naman niya baka coincidence lang daw. Pero hindi talaga eh. Kasi one time naglalakad ako palabas ng University ng nakita ko siya na parang may hinhihintay nakasakay siya sa kotse niya, tinawag ko siya pero di niya ko pinansin at pinaandar yung kotse niya.. Weird. -_-
"Simula pa lang ganyan na teh. Baka may iba na yang pinagkakaabalahan. Ingat ingat ha." sabi yan ni Kaye sakin. Hayyy. Ayoko mapraning. >___<
"Tumahimik ka, di nakakatulong eh. =__="
"Tatahimik na ho. Dyan ka na lang oh. Napakaconsistent sayo." tinignan ko yung direksyon ng tingin niya, nakita ko si Lawrence na papalapit..
"Hi Cathy!" & he flashed his smile again..
"Ah. H-i?"
Sumenyas naman si Kaye na aalis na siya..
"Nabalitaan mo ba?"
"Ang alin?"
"Sophie is back na daw."
"Oh talaga?" I acted na kunwari di ko alam..
"Don't be bothered. "
"Ako? Bothered? Dun sa bruha na yun? Duh Hindi ah. "
"Iba ang takbo ng utak ni Sophie.. She wouldn't stop hanggat di niya nakukuha si Carl sayo."
"Di naman ako papayag no. Napakadesperate niya.."
"By the way Cathy, Can i ask you out?"
"Ako? May boyfriend na ko. Ayos ka lang? Hahaha."
"I know. I know. Let's just say na it's a friendly date? Magkaibigan naman tayo right?"
"Pag.iisipan ko."
"Please Please. "
"Fine. Basta walang ibig sabihin to ha. It's a FRIENDLY date. "
"Okay. I'll pick you up later."
Napagkasunduan nga namin ni Lawrence na wag na lang ipaalam kay Carl.. Kaso binabagabag ako ng konsensya ko. Eh tinetext at tinatawagan ko di naman sinasagot.. Di kaya magkasama na naman sila?
"Hey. Something bothering you? Kanina ka pa parang wala sa sarili. "
BINABASA MO ANG
Chinito.
Teen Fiction..dahil nabihag mo ang aking paningin at damdamin Chinito... :">