#6

661 4 2
                                    

Lutang pa din ako dahil sa nalaman ko kahapon May nakaraan pala sila. Akala ko sa teleserye at sa wattpad lang yung mga ganung pangyayari. Intense. >_<

Lalo pa kong nabagabag dahil sa sinabi ni Sophie. Hayy.

"Anak. Mukhang malalim ang iniisip mo ah?" - Mama

"Ahh- eh. Di kaya Ma talaga.."

"Talaga hindi? Tignan mo. Di ka na natapos diyan sa hinuhugasan mong tinidor. " Napatingin naman ako. Oo nga noh. Lutang ako. Sinasabon ko tong tinidor tapos binabanlawan ko tapos sinasabon ko ulit. HAHAHAHA.

"HAHAH."

"Share mo sakin. Kung ano ba yang iniisip mo. Baka matulungan kita." - Mama

"Hmm. Ma. Paano kung may kaibigan ka tapos nagkagusto kayo sa iisang tao.  Tanggap mo naman na siya yung gusto. Kaso Di niya alam na gusto mo din yung tao na yun. May karapatan ba siyang magalit sayo pag nagkataon?" Naguguluhan na talaga kasi ako. Huhubels.

"Depende. Kung di naman sila. Wala siyang karapatan na magalit at pigilan yang nararamdaman mo. Kung tunay siyang kaibigan di niya hahayaan masira ang pagkakaibigan niyo dahil lang sa iisang lalaki." - Mama

"Tama ka dyan Mama. =_= " 

"Nalinawan ka na ba kahit papano? Wag ka ng lutang at ng matapos ka na dyan sa ginagawa mo. " - Mama

"Opo. Thanks Ma! "

-

Simula nga nung nangyari yun. Di ko na masyadong nakakasama sila Sophie. Ewan ko. Ang weird kasi ng pakiramdam ko. Feeling ko i'm betraying her. So mas pinili ko na lang dumistansya. Sa pag distansya ko nakilala ko si Kaye. Sa kanya ako nag.oopen ng lahat lalo na yung isyu kay Sophie.

Naglalakad kami ni Kaye sa school grounds. Habang ako busy sa pagbabasa ng notes ko. May Quiz kasi kami mamaya. Hayy.

"Uy. Te! Si Carl oh! Lapitan mo na dali!" 

"Ayoko. Baka mamaya makita pa ni Sophie. Kung ano pa isipin nun. =__="

"Dali na. Ayy alam ko na. Yung notebook ko nasa kanya. Kunin mo! " Iba talaga tong kaibigan kong to. 

Lumapit na lang  ako. 

"H--i?" Nauutal pa ko.

"Ano kailangan mo?" Sungit talaga neto. Parang lalaking meron.

"Pinapakuha kasi ni Kaye yung notebook niya. Napagutusan lang ako." Kinuha at inabot niya sakin yung notebook.

"Oh. Pakisabi salamat. " Tapos tumayo na siya. Iiwan na naman ako. T^T

"Uy. Daya mo. Pwede ba tayong maging friends?"

"Pag-iisipan ko. " Tapos naglakad na siya. Grabe talaga. Pati pakikipagkaibigan. Pinag-iisipan niya pa. T^T

Naglakad na ko pabalik kay Kaye.

'Ano te? Basted ba? HAHAHA." - Kaye

"Kaibigan ba talaga kita? Nakakainis ka. >_< " 

"Joke lang. Pinaglalapit ko nga kayo. Ako nga pala si Cupid."

"Corny mo Gaga. Tara na may Quiz pa tayo. Baka ma.zero na naman. HAHAHA."

Naglakad na kami pabalik ng may pamilyar na boses na tumawag sakin..

Si Sophie. 

"Cathy!"  bigla ako nakaramdam ng kaba.

"Mag-uusap tayo." 

Ito na yung kinatakutan ko. 

Kill me now.

=______________=

-

Chinito.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon