#21

343 5 5
                                    

Update. Update. After 130456789 years.

-

Walang pasok. Pero parang meron pa din..

May practice kasi nung sayaw. >___< Natatandaan niyo pa ba? Yung sayaw na partner ko Si Lawrence tas si Carl kay..............................Sophie.

Dapat nga magkagrupo kami ni Carl, kaso di pumapasok si Sophie, kaya nilipat siya ng ibang grupo. </3

 "Okay guys. Start na tayo." sabi nung leader namin.

Kaya yun. Practice kami the whole day..

Tinitignan ko yung phone ko, nagtext pala si Carl..

"Kumusta dyan? Di  talaga ako komportable si Lawrence partner mo." - Carl

"Di rin naman ako komportable, Si Sophie partner mo."

"Iba partner ko, May mga importante daw na lakad si Sophie, wala daw panahon sa ganito. di makakapractice."

"Buti naman. Sige na maya na lang. Mag.practice na kami eh. Byeeeee. <3"

*End of convo*

Actually the whole time ilang na ilang ako kay Lawrence.. Iba kasi. Lalo na alam kong may feelings siya sakin..

Hayyyy.

"Okay guys isang sayaw pa. Ayusin na natin. Please. Last na to. Uuwi na tayong lahat." - Leader

Kaya ayun sumayaw ulit kami.

Kaso di ko natapos kasi pinulikat yung magkabila kong paa..

"Awwww."

"Okay ka lang?" Lawrence

"Pinupulikat kasi yung dalawang paa ko." 

"Wait guys. Upo ko lang to. Pinupulikat eh." - Lawrence

"Wag na. Okay lang. Kaya ko to. Tuloy lang."

"Anong tuloy? Gusto mo mapilay?" - Lawrence

"Pulikat lang? Mapipilay agad?"

"Di mo ba alam yun? Tss. "

"Nyenye. Sige na uupo na ko. Masakit na talaga."

Pinanood ko sila habang nagprapractice.

Sabay napunta ang tingin ko kay Lawrence..

Hindi ko alam kung bakit napakabait niya sakin.. At di ko rin alam kung ano ba binigay kong pagkain sa kanya at hanggang ngayon hinihintay niya pa din ako..

"OY!"

"Ay palaka! Ano ba yan. Nakakagulat ka Luke ha."

"Ikaw ha. Tinitigan mo si Lawrence ha. Type mo? Alam ba yan ni Carl?"

"Sira. Napatingin lang. OA ha?"

"Joke lang. HAHAHAHA. Guilty ka agad eh."

"Tigilan mo ko. Baliw."

After ng practice Nag.ayos na kami ng gamit pauwi..

Naglakad pa kaming lahat, nasa labas pa kasi ng subdivision yung sakayan.

Nauuna yung iba..

Kami yung nasa hulihan..

"Ouch. Sakit talaga."

Chinito.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon